Chapter Sixteen

2.6K 38 6
                                    

Nakabalik na sila ng Manila at kasalukuyang nasa ABS studio to have their live guesting para sa isang talk show and also to let them promote their movie.

“Let’s all welcome, ang pinakaabangan at pinakabagong loveteam of the year, Mr. Gerald Anderson and of course, ang nag-iisang Ms. Sarah Geronimo!” pag-anunsyo ni Luis.

At sabay na pumunta sa stage ang dalawa, nakakabinging hiyaw naman ang nangibabaw sa studio.

“Hi Sars, hi Gerald” pagbati ni Luis

“Hello Luiiiiss” masayang pagbati ni Sarah.

“Hello bro” pagbati naman ni Gerald.

“Wow, mukang masaya ang prinsesa ahh.” Pag-uumpisa ni Luis pagka-upo nila.

“Hahaha. Eh siyempre, ganun talaga” sagot niya.

Nakita niyang ngumiti ang binata.

“At ano ang nagpapasaya sa prinsesa? Teka, mali yata yung tanong, sino ang nagpapasaya sa prinsesa?” nakangiting tanong ni Luis at isang nakakabinging hiyawan ulit ang nangibabaw sa studio.

“Hahahaha. Ikaw talaga Luis, um,..” pag-uumpisa niya.

“Dahil ba yan sa katabi mo?” pagputol ni Luis sa sinasabi niya.

Narinig niyang naghiyawan ang audience.

Mukang marami nga talaga ang sumusuporta sa mokong na ‘to.

 

She smile.

“Dahil dito?” turo niya kay Gerald at nakita naman niyang tumango lang si Luis.

“Maraming dahilan kung bakit ako masaya, isa na dun yung bagong movie namin ni Ge.” Nakangiting sagot niya.

“Hahaha. Ayan naman ang gusto ko sayo Sars eh, marunong ka nang lumusot. Hahaha.” Pang-aasar sa kanya ng kaibigang host.

Si Luis ay isa sa mga nakatrabaho niya na naging close sa kanya. Totoo na kaunti lang ang mga kaibigan niyang lalaki since hindi siya kumportable kapag may lalaki siyang kasama. Pero si Luis, madali niyang napakisamahan at isa pa close din ito sa pamilya niya.

“Then sa’yo naman tayo, bro. How’s your working relationship with Sarah?” narinig niyang tanong ni Luis.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

Bat piling ko biglang nag-init ang muka ko? ‘Tong mokong na to kasi eh!

 

“Um., I’m really thankful for this kind of opportunity. I’m really honored to be her leading man. Umm. About our working relationship, um. I think we’re good. I can feel her guidance and of course, we take the shoot lightly because of her.” Mahabang sagot ng binata.

“I agree, sayo naman Sars, kamusta naman kayo ni Gerald?”

“Ha? Um. Ayos lang. Hahahahaha”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now