Epilogue

1.8K 49 11
                                    

He is in his white suit.

She is in her white dress.

Together, they’re now walking..

In a red carpet laid in one event.

“Oh wait,” pagpigil niya sa dalaga

“bakit?” bulong sa kanya nito.

“I love you.” Nakangiting sabi niya.

Nakita niyang napangiti ang dalaga.

“aysus ikaw talaga. I love you too at halika na.” natatawang sagot ni Sarah sa kanya

Kasalukuyan silang naglalakad papasok sa isang event room kung saan ginaganap ang Star Magic Ball. Sa entrance pa lang, marami na ang nag-aabang sa pagdating niya since bago ang araw na iyon, sinabi niya sa isang interview na ang makakasama niya ay ang kanyang special someone.

Tumigil sila sa entrance to display who’re they’re wearing and of course, to show who is with them. This time, it’s his turn.

May mga nagtaka ng makitang si Sarah ang kasama niya pero alam niyang marami rin ang natuwa para sa kanila.

Whatever they say, ang pinakaimportante, kasama ko ang baby girl ko.

Hinawakan niya sa bewang ang dalaga at marahang kinabig palapit sa kanya. Alam niyang nagulat ang dalaga sa ginawa niya pero masaya siyang makita ang mga ngiti nito sa labi.

Bago pa sila makapasok, may isang press member ang nagbato ng isang katanungan sa kanila.

“Gerald, so since si Sarah yung kasama mo ngayon, ibig sabihin siya yung sinabi mong special someone mo?”

Tumingin siya sa kasamang dalaga. “of course she is. You should know, that she’ll always be my special someone.”

Napangiti siya ng makita muli ang ngiti ng dalaga.

“Ge, kayo na ba?” sunod na tanong nung isa.

“tayo na ba?” nakangiting tanong niya sa dalaga.

“tayo na ba?” nakangiting ulit ng dalaga sa tanong niya.

Hinipo niya ang tuktok ng ilong ng dalaga, at pagkatapos ay bumaling sa media.

“I’m really proud and super happy na finally I can say to all of you that yeah. Girlfriend ko na po siya. Sarah Geronimo is my angel, my baby girl, my little girl, my princess, my girlfriend” nakangiting pag-amin niya.

“.. and my .. wife?” this time, nakangiti itong tumingin sa dalaga.

Isang hampas naman ang naging sagot nito sa kanya.

Nakapasok na sila sa loob. Pasalamat siya at natapos na rin ang interview sa kanila sa labas. Though, hindi siya halos ang sumagot sa mga tanong ng media, still, nanginig pa rin ang tuhod niya lalo na sa mga naging sagot ng binata.

Aysus! Wife! Wife!

Humawak siya ng mahigpit sa binata, samantala dumerecho naman sila sa isang grupo na nakaumpok sa gilid.

Pagkalapit nila sa mga ito, narinig niyang binati ito ni Gerald. Sila ang mga naging kaibigan ng binata noon since sila yung nakasama ng binata sa loob ng bahay ni kuya.

Pagkatapos ng greetings, nakangiting lumapit sa kanila si Kim, narinig naman niya ang pagsasalita ng binatang katabi.

“Hey, you remember what I told you before?” tanong ng binata.

“huh? About?”

“about my angel.”

“ohh. Yah?”

“here. I told you na ipapakilala ko siya sayo if she’s already standing here beside me.” “and thanks for wishing me luck before, my angel is my girlfriend now.”

Alam niyang nagulat ang dalaga dahil bigla itong napatingin sa kanya.

“si Sarah” pakilala sa kanya nito. Bumaling naman ang binata sa kanya na nakangiti.

Nakita naman niya ang biglang pagngiti ng dalaga. “congrats Ge!” pagbati nito sa binata.

Nung una, nakaramdam siya ng kaba pero nung makitang masaya naman ang kaibigan ng binata para sa kanila, ay naging masaya na rin siya.

Whatever they say, ang pinakaimportante, kasama ko ang baby boy ko.

Kasalukuyan silang nagsasayaw.

Alam niyang marami ang nakatingin at marami rin ang nagkukuha ng litrato sa kanila. Sa umpisa, medyo naiilang siya pero habang tumatagal na nakikita niyang masaya si Gerald, nawawala ang lahat ng kaba, ilang, at takot na nararamdaman niya at bagkus ay napapaltan ito ng kasiyahan.

Nakangiti pa rin ang binata sa kanya at habang nagsasayaw

“haha chura mo ge” pang-aasar niya dito.

“I’m just happy. Masaya ka ba?”

“super” nakagiting sagot niya dito.

Dahil dito, bigla siya nitong kinabig palapit sa kanya, at habang nagsasayaw halos magkaakap na sila.

Napangiti siya ng marinig niya ang bulong ng binata

“this is just a start..

…a start of forever.”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now