Chapter Twenty Seven

1.3K 31 5
                                    

“Let’s all welcome our newest box office love team, Ms. Sarah Geronimo and Mr. Matteo Guidicelli!” pagintroduce sa kanila ni Toni.

Isang taon na ang nakalipas at marami na rin ang nagbago. Mula nang umalis si Gerald para pumunta ng Korea, naiwan naman siyang ang tanging ginawa ay magfocus sa kanyang trabaho. Nagkaroon siya ng bagong movie, and this time with her new love team, si Matteo.

“Thank you. Thank you” pasasalamat nilang dalawa sa host.

“Ano naman ang masasabi niyo sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa love team niyo?” tanong ng host sa kanila.

“masaya, sobrang saya talaga.” Sagot niya.

“yeah, overwhelming” nakangiting sagot ng binata.

“kaya nga, sobrang ibang klase yung naging suporta sa inyo ng mga tao. Pero eto, since marami ang nagtatanong, kamusta naman kayong dalawa?” sunod na tanong ni Toni

“ha? Umm ayos naman kami ni Mat.” Sagot niya.

“haha. hindi balita ko kasi, etong si Mat, may crush ka talaga kay Sarah?”

“of course, sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya diba?” nakangiting sagot ng binata

“wushu!” sabay hampas sa binata.

“nanliligaw ka na ba sa kanya?”

“ay!” bulalas niya.

“hahah .hindi, hindi.” Nangingiting sagot ng binata.

“ay baket? Pero may posibilidad na mahulog kayo sa isa’t isa diba?” tanong uli ni Toni.

“haha. hindi pa kasi siya ready.” Pang-aasar sa kanya ng binata.

“aysus! Kasi may nililigawan na yan na iba.” Balik na pang-aasar niya sa binata.

“heyy!” saway sa kanya ng binata.

“really?” tanong ni Toni.

“haha. Wala, wala.” Pagtanggi ng binata.

“kayong dalawa talaga. O siya, magpasalamat na kayo at imbitahan niyo na rin sila na panoorin ang napakaganda niyong pelikula.”

Pagkatapos ng interview, nagpaalam na siya sa binata  at dumerecho na sa kanyang ate na nag-aantay sa loob ng sasakyan. Nangako kasi siya rito na manonood sila ng movie pagkatapos ng lahat ng kanyang commitements. Ilang linggo pagkaalis ni Gerald noon, ay siya namang balik ng kanyang ate sa Pilipinas. Nag-aalala kasi ito para sa kanya, at hanggang ngayon hindi siya maiwan nito dahil alam nito ang nararamdaman niya.

“ano naman papanoorin natin?” tanong niya sa kapatid.

“yung movie niyo ni Mat”

“nye!”

“hahaha. Ay Pot, kamusta naman kayo ni Mat?”

“ayos naman.”

“friends?”

“oo naman”

“eh more than friends?”

“Hahaha. Siyempre hinde.” Natatawang sagot niya sa kapatid.

“bakit naman? Gwapo naman yung tao, mabait pa. at Pot, hindi naman sobrang mayaman.”

“hahaha. Shut up!”

“hindi, seryoso Pot, may gusto naman yung si Mat sayo. Why don’t you give him a chance.”

Bago siya magsalita, napangiti muna siya. “alam mo ate, kung bibigyan ko siya ng chance magiging unfair lang ako sa kanya. Alam mo yun bibigyan ko siya ng chance tapos babastedin ko lang siya. Diba, parang pinaasa ko lang yun tao.”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now