Prologue

15.9K 60 4
                                    

10:00pm; 2010; U.S.

“Nakita mo si Sarah?”

“Nalibot ko na po itong buong hotel kaso hindi ko pa rin siya makita.”

“Call her.”

“Call her? Naiwan niya yung phone niya.”

“Pati yung bag niya, naiwan niya.”

“Ha?! Ibig sabihin wala siyang dalang pera?”

“Parang ganun na nga po.”

“My goodness Sarah, Nasaan ka ba?!”

“Ikaw, body guard ka niya, dapat alam mo kung nasan siya!”

“Sorry po ma’am, sabi niya po kasi may kukunin lang daw siya. Pagtingin ko, bigla na lang siyang nawala.”

“Haay naku naman. Sobrang lamig sa labas, don’t tell me wala siyang dalang jacket?”

“Wala po. Hinubad niya po kasi kanina tapos eto iniwan niya po dito”

………….

Hello! I’m Sarah Asher T. Geronimo, 22 years old, from the Philippines! Yehey! Toinks. Nandito ako ngayon sa U.S. may tour kasi ako kanina dito. :) Yes! Tour! Performer kasi ako sa Philippines. Sabi nila ako daw ang Pop Princess ng Pinas. Ewan ko ba sa kanila kung bakit nila nasasabi yun. Hahah. Anyway, nandito ako ngayon sa isang makipot na kanto dito sa US. Frankly, hindi ko alam kung nasaan ako. In short, naliligaw ako! My gosh! Eh sinusundan ko lang naman yung tuta na nakita ko sa may kalye. Ang cute cute niya kasi, aampunin ko sana. Eh kaso yung gusto kong ampunin, biglang naglaho at iniwan ako dito sa lugar na to. Sobrang dilim at sobrang lamig pa, sobrang giniginaw na ako. Kanina pa ako paikot ikot dito. Mga 30 minutes na, baka nag-aalala na sila mommy dun. Naku naman!

 

“Psst!”

“ay psst!”

“Hey Ms. Beautiful”

“Umm. Excuse me mister. Can you help me for my way back on our hotel?”

“Oh girl. Sure. But play with us first.”

“play? Laro?”

“What did you say? Is it yes?, Heeey! This girl just said she wanted to play with us.”

Biglang may lumabas na limang kalalakihan. Lahat sila nakajacket at nakahood.

Geez! Mga goons? Lord! Help me!

“Umm. Excuse me, I have to go.”

“Hey! Hey! I promised you I’ll accompany you to your hotel but after we play.”

“Oh no. I can manage by myself. Thanks anyway.”

Biglang may humawak sa braso niya.

“You can’t escape from us anymore.”

“Let me go!”

“I won’t”

“Help!!!!! Help!!!!”

Bigla siyang pinalibutan ng anim na lalaki. Unti-unti silang lumalapit sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang umupo at yumuko. Pinikit niya na lang ang kanyang mga mata at nag-umpisang magdasal.

Lord! Help me please. Ikaw na po ang bahala sa akin Lord. Please, send me your angel. Please. Lord, I need you, please. Lord.

 

Pagkatapos ng sampung minuto na wala pa ring nangyayari sa kanya, muli niyang idinalat ang kanyang mga mata. Napatayo siya sa nakita niya. Nakahandusay ang anim na lalaki at may isang lalaking nakahood ang nakatayo sa harap niya.

My angel? Pero nakahood din siya katulad nung iba. Hindi kaya kasama nila siya? Pero bakit nakahandusay na silang lahat ngayon? Anong nangyari?

“Are you okay?”

“Umm.”

“Miss!”

“Umm”

“Miss!”

Sa sobrang shock, hindi na siya nakapagsalita at bigla siyang nawalan ng malay. Pagkagising niya, nasa loob na siya ng kanilang kwarto.

“Ohh nak! Buti gising ka na. Kamusta pakiramdam mo?”

“Umm. Mommy. Paano po ako nakabalik dito?”

“May biglang dumating na isang lalaki, buhat buhat ka.”

“Nakajacket po at nakahood?”

“Huh? Hindi. Pero ikaw, nakajacket ka. Sa kanya yata to.”

At inabot ng mommy niya ang jacket na naiwan ng lalaki. May dalawang letra ang nakatahi sa may jacket.

“GA”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now