Chapter Seven

3.4K 39 7
                                    

“Good Morning Princess! :) See you later! :) –G”

Nakapag storycon na sila last week at ngayon ang unang araw ng shooting nila para sa unang movie nila together. Kasalukuyan siyang nasa sasakyan papuntang location ng shooting nila ng magtext si Gerald.

Beep.

From: Gerald Anderson

Princess nasaan ka na? :)

Tss.

To: Gerald Anderson

OTW na.

Gerald: Ingat ha!

Sarah: Opo.

Pagkarating nila sa location, at pagkababa niya ng sasakyan, nakita niyang naglalakad papunta sa kanila si Gerald. Tinulungan naman niyang buhatin ang mga gamit niya papuntang tent nila at nang makalapit ang binata, biglang kinuha nito ang mga gamit na dala niya at sinabayan siya sa paglalakad.

“Amin na yan.” Akmang aagawin ang bag niya

“Is that the proper greetings for your leading man?” nakangiting sabi nito

“Muka mo!”

“Muka ko? Bagay sa muka mo.” Pang-aasar nito.

Hinampas lang niya sa may braso si Gerald at nang makita ang director nila na nakaupo sa may gilid, lumihis siya ng paglalakad at pinuntahan ang kanilang director. Sinundan naman siya ni Gerald.

“Direk! Good Morning po! Pasensiya na po kung medyo late.” bati niya sa kanilang director

“Ayos lang, kararating ko lang din. Yang nasa likod mo, mukang kanina pa yan dito.” Turo niya kay Gerald

Nilingon naman niya ito at nginitian siya ni Gerald.

“I told you I’m excited” sagot ng binata

“Bago mong P.A yan Sarah?” pabirong tanong ng director nila

Tinignan niya ulit si Gerald, at saka lang naalala na dinala nga pala nito ang mga gamit niya. Nagulat pa siya ng pati yung mga gamit na dala ng manang niya ay dala na rin nito.

“Bat na sa’yo yan?!” tanong niya.

“Actually Direk, mag-aapply pa lang po sana ako na maging P.A. niya” sagot niya sa director nila

“Puro ka kalokohan Gerald, akin na nga yang mga gamit ko” akmang aagawin ang mga gamit niya.

“Huwag kang magulo, dala ko na eh.” Sagot nito sabay baling sa kanilang director “direk, excuse me lang po, dalhin ko lang po tong mga gamit ng prinsesa sa tent niya”

Sabay alis ng binata.

“Mokong ka! Akin na nga yan!” sinundan niya ang binata. “Direk, wait lang po!” paalam niya sa director nila.

Nakapasok na ng tent nila si Gerald ng maabutan niya ito. Kasalukuyang tinutulungan ng binata ang manang niya sa pag-aayos ng mga gamit niya.

“Oy, Gerald, dun ka na sa labas.” Saway nito. “Salamat sa pagdala.”

“Anytime” Nakangiting sambit nito bago tuluyang makalabas.

Mokong na yun! Kakulet na nilalang eh. Tss. First day na first day eh may balak na agad mambwisit. Tss. Okay, I must admit, hindi naman na ako ganun ka asar sa kanya. Masasabi ko na rin na kahit papaano itinuturing ko na rin siyang kaibigan. Haha. Kahit ganun yun, kaibigan na rin naman ang turing ko sa kanya. Siya yata ang pinakamabilis kong naging kaibigan eh, hindi ko alam kung bakit naging kumportable na agad ako sa kanya. Madalas kasi, it takes so much time para maging kumportable ako sa isang tao, pero sa mokong na yun, ilang oras ko pa lang kakilala, nagawa ko na agad mahampas. Kahit papaano naman, naeenjoy ko yung presence niya. :)

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now