Chapter Six

3.6K 47 13
                                    

Beep

From: Gerald Anderson

Good Morning princess! :) Nasa ASAP ka na tom.?

Kakagising lang ni Sarah ng magvibrate ang phone niya. At dahil inaantok pa, walang malay niya itong nareply-an.

To: Gerald Anderson

Oo

Beep.

From: Gerald Anderson

Wow! At last! your first reply! :) I’m very happy. :)

Simula nung binigay niya ang number niya kay Gerald, hindi niya ito makuhang mareply-an kahit araw-araw siyang tinetext nito. Para sa kanya, masyadong mabilis ang pangayayari. Masyadong mabilis ang pagpasok ni Gerald sa buhay niya.

Tss. Ano ba yan! Ba’t ba ako nagreply sa mokong na yun?! [yawn]

Knocks

“Ate! Gumising ka na dyan!” sigaw ng kapatid niya

“Gising na ako.” Sagot niya

Binuksan ng kapatid niya ang pinto at ito’y pumasok

“Bumaba ka na daw at mag-agahan.”

“Sige, sunod na ako”

“Bilisan mo daw, may trabaho ka daw ngayon.”

“Ha? O sige, sige, iimis lang ako dito”

Bago umalis ang kapatid,

“oh eto yung rose mo.” pagkaabot ng isang red rose, tuluyan na siyang umalis

Nang makaalis na ang kapatid niya, sandali niyang inamoy ang bulaklak at binasa ang sulat.

“Good Morning Princess! Ingat lagi! :) --G”

….

Pagkatapos ng kanyang photoshoot at recording, dumeretso na sila sa may ASAP studio para magrehearse ng kanyang production numbers para bukas.

Habang nagrerehearse, napansin niyang may isang lalaki ang nakatayo sa isang sulok at tahimik na nanonood. Ngumiti ito sa kanya at doon niya lang narealize na si Gerald pala ang lalaki. Ilang sandali pa ng napansin niyang may lumapit na isang babae rito.

Cristine?

Nakita niyang lumapit at kinakausap ni Cristine si Gerald. Nakatayo ito ng sobrang lapit sa binata kaya mapapansin mo talagang nakikipagflirt ito. Nakatingin lang siya sa dalawa habang nagsasayaw ng biglang

Blag!

Ouch!

“Sarah! Ayos ka lang?”  narinig niyang tanong ni teacher G.

“Sarah!!, ayos ka lang?! May masakit ba sa’yo? Ano? Ayos ka lang?” nilingon niya kung sino ang nagtanong

Ang OA naman neto. Natipalok lang ako.Ouch..

“Ayos lang po. Sorry po.” sagot niya kay teacher G.

“Kaya mo bang tumayo? Nabalian ka ba?” tanong ulit ng lalaki

Nang subukan niyang tumayo, bigla niyang naramdaman ang pagbuhat sa kanya ng lalaki. At sa gulat niya bigla siyang napasigaw

“Don’t shout! Binubuhat ka lang oh”

“Ibaba mo nga ako Gerald! Kaya ko namang maglakad eh.”

“Ayaw.”

Nag-umpisa ng maglakad si Gerald habang buhat siya

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon