Chapter Twenty Nine

1.4K 37 10
                                    

“so Pot, anong napag-usapan niyo ng prinsipe mo?” tanong sa kanya ng kapatid.

Nasa loob na siya ng kanyang kwarto at kakatapos lang magshower. Habang nagpapatuyo ng buhok ay kinukulit naman siya ng kanyang ate tungkol sa kanilang dalawa ni Gerald.

“anong trip mo teh? Bat naman bigla mo akong iniwan sa mokong na yun?” balik na tanong niya rito.

“hmm. Hindi mo ba napansin? Nagseselos ang prinsipe mo kay Matteo.” Nakangising sabi ng kapatid.

“selos mo your face!”

“Bakit, hindi ba? Kanina ang tinuro ko si Yeng pero ang binanggit niya ay si Matteo, it make sense.”

“ you’re hopeless. Naalala ko, after ng prod namin ni Matt, kinausap ako ng mokong na yun. He did told me na selos daw siya dun sa bago kong kalove team. Pero yun nga, after nun, bigla niya akong pinamigay kay Mat”

“Hahaha. Paanong pinamigay?”

“Sabi niya bagay daw kami ni Matt”

“Ohh. Eh baka nga nagseselos.”

“Ewan ko sa’yo ate. Nako, kung narinig mo lang pinagsasabi ng mokong na yun kanina.”

“Eh hindi ko nga narinig, kaya nga kanina pa ako nagtatanong.”

“Edi ano pa, sinabi lang naman niyang lahat ng nangyari sa pagitan namin ay bahagi na ng past. At ang walang kamatayan niyang past is past. Tapos ipagdikdikan ba naman sa akin na friends kami.”

“So pinag-usapan niyo nga yung nangyari? So ano, ayos na kayo?”

“ayos naman kami. Pero mas malinaw lang sa akin ngayon na nakapagmove on na talaga ang mokong at kinalimutan na ang lahat.”

“ouch.”

“tss. Kaya nga naisip ko, maybe tama ka. I’ll just have to be with him at masanay na wala na talaga siyang paki sa akin.”

“kaya mo?”

“kakayanin”

“we’ll see.”

“hmm. pero kanina pa ako may iniisip eh.” Biglang sabi niya sa kapatid.

“Haha. Para namang nawalan ka ng iniisip.”

“Heh, seryoso ako ate.”

“haha. eh ano ba yun?”

“kanina bago tayo umuwi, tinanong niya ako kung naaalala ko pa ang lahat ng pinangako niya sa akin noon.”

“eh anong sabi mo?”

“tumango lang ako. hindi ko naman kasi siya magets. Alam mo yun, pagkatapos niyang sabihin na magkaibigan kami at past is past, bigla niya akong tatanungin tungkol sa mga pangako niya.” “Bakit kasi niya biglang tinanong yun?”

“Eh naaalala mo naman ba?”

“Siguro”

“hahaha. Ewan ko ha. Eh ikaw pa? Ikaw pa na may sobrang makakalimuting kukote? Hahahaha.” 

“Heh, lumabas ka na nga, matutulog na ako. Haay sobrang nakakapagod ang araw na ‘to.”

“haha. fine fine. Goodnight” at lumabas na nga ang kanyang ate.

Pahiga na siya ng biglang mag beep ang kanyang phone.

From: Gerald Anderson

Good night little Sarah! :)

Little Sarah?

Magrereply na sana siya nang magbeep ulit ang kanyang phone

From: Gerald Anderson

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now