Extra Chapter 3

200K 2.4K 181
                                    

 THIS IS THE LAST EXTRA CHAPTER...WALA NANG KASUNOD TO :D

------

“Kurt? Asan ka na ba? Mababaliw na talaga ako dito ka hahanap sa iyo.”

Sobrang daming taming tao sa amusement park. Mas lalo kong hindi mahanap si Kurt. Asan na ba siya.

“jeogiyo agasshi.. gwaenchanayo?”

(Excuse me Miss are you okay?)

May babaeng lumapit sa’kin. Ang ganda niya. Ang kinis ng mukha niya. Sobrang puti niya. Natatakot ako dahil hindi ko mahanap si Kurt pero mas nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ng babae. Parang gusto ko ng maiyak.

“Gwaenchanayo?”

(Are you okay?)

Kahit ilang beses pa niyang ulitin hindi ko talaga maiintindihan ang sinasabi niya.

“Huh? Ahh.. yes yes yes.. thank you thank you.”

Ano ba ang yes sa korean? At thank you? Hindi ko alam eh. Hindi ko din alam kung tama ba iyong sagot ko dahil hindi ko din naman alam eh.

Hindi ko na pinasagot iyong babae dahil hindi ko din naman alam. Tumakbo nalang ako papalayo sa kanya para hanapin siya. Sana man lang nagdala ako ng phone para mahanap ko iyong translation ng mga English to Korean.

“Kurt? Asan ka na ba?”

Pakiramdam ko ilang taon na akong paikot ikot dito sa amusement park. Bakit ba kasi ang laki ng lugar na ‘to?

“Annyeonghaseyo chingu!”

(Hello friend!)

May isang mascot na daga ang bumungad sa harapan ko. Itinaas niya iyong dalawang kamay niya at kumaway sa’kin. Halos lumabas na iyong kaluluwa ko sa katawan dahil sa sobrang gulat ko.

Naiintindihan ko iyong sinasabi niya. Annyeonghaseyo. Hello iyon diba?  Pero iyong pangalawang sinabi niya hindi ko na alam kung ano ibig sabihin non.

“Annyeonghaseyo.”

(Hello.)

Itinaas ko din iyong dalawang kamay ko saka ako kumaway sa kanya.

“Gapshida!!”

(Let’s go!!)

Ano daw? Anong isda? Pero bigla nalang hinawakan nong dagang mascot ang kamay ko at hinila ako sa kung saan.

“Mr. Rat! Excuse me but I’m not here right now for fun. I’m looking for my husband.”

Hindi ko alam kung naiintindihan ba ng dagang ‘to ang sinasabi ko.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon