Chapter 24: Jealousy

300K 3.7K 258
                                    

YUMI's POV

Inihatid ako ni Gab sa bahay..

Nagpaalam siya sakin ng hinalikan niya ako sa pisngi..

Parang nanginig lahat ang mga buto ko sa katawan..Parang tumayo lalahat ng balahibo ko sa katawan.

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi parin ako makapaniwala si ginawa niya. Hindi ko inasahan iyon mula sa kanya. Ang bilis ng pangyayari.

Nakaalis na siya pero hindi parin ako gumagalaw sa tinatayuan ko..Napahawak nalang ako sa kanang pisngi ko kung saan niya ako hinalikan.

"Yumiko!!!"

Saka lang ako bumalik sa ulirat ko ng tawagin ako ni Kurt.

"Kurt ikaw pala..anong ginagawa mo sa labas?"

Tanong ko kay Kurt habang papasok ako sa gate namin.

"Bakit ngayon ka lang?"

Tanong niya pero iba ang tono ng boses niya..Parang ewan ko..

"Ahh mahabang storya.."

Tapos pumasok na ako sa loob ng bahay..

KURT's POV

8 pm na pero wala parin si Yumi..Hindi na ako mapakali..Tinawagan ko siya pero walang sumasagot sa phone niya..Tinawagan ko din si Jane pero hindi daw sila magkasama ngayon..

Nasan ka na ba Yumi?

Tawagan ko kaya si Gab?

Baka kasi magkasama sila ngayon..

tsk!! Sh*t..ano ba itong ginagawa ko..Ano naman ngayon kung magkasama sila?

Ba't ba ako nakikialam? Bahala ka na nga Yumi..Kahit hindi ka na umuwi okay lang..

Magsama kayong dalawa!!

Tinapon ko ang phone ko sa couch..Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ba ako nag-aalala sa kanya..Bahala na siya sa buhay niya..

Umakyat na ako para matulog..

Pumasok na ako sa room ko at nahiga sa kama ko..

5 mins..10 mins..15 mins..30 mins..1 hour

Hindi talaga ako mapakali..

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng katawan ko sa labas ng bahay..

“Hihintayin ko na lang si Yumi..”

Dalawang oras na ang lumipas pero hindi parin siya dumarating..Tiningnan ko ang relo ko, 11:08 PM na..

Malapit na palang maghating gabi..Papasok na sana ako ng bahay para kunin ang susi ng kotse ko ng biglang may narinig akong tunog ng sasakyan na papalapit sa gate namin. Lumabas ako para tignan kung sa’min ba talaga huminto ang kotse. Hindi nga ako nagkamali, huminto sa harap ng gate namin ang itim na kotse. Isang pamilyar na kotse.

Kotse ni Gab.

Kasama niya si Yumi.

Hindi ko alam kung bakit sila magkasama.

Lalapitan ko na sana sila ng bigla nalang hinalikan ni Gab si Yumi sa pisngi..

Kinuyom ko ang mga daliri sa palad ko. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Parang gusto kong suntukin si Gab. Parang gusto kong magwala. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko maintindhan ang nararamdaman ko.

Nalilito ako..

Ilang minuto din akong nakatayo sa kinatatayuan ko..Hindi makagalaw..

Kailangan kong maintindihan itong nararamdaman ko..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Where stories live. Discover now