Chapter 4: The Proposal

366K 4.5K 410
                                    

Kurt's POV

Andito ako ngayon sa mall para bumili ng engagement ring. Medyo kinakabahanako kasi baka hindi niya magustuhan iyong pipiliin kong singsing. Kung sinamahan lang sana ako ni Gab eh mas mapapadali ang paghahanap at pagpili ko ng singsing. Mas close kasi sila ng babaeng bibigyan ko nito.

Pumasok agad ako sa shop at naghanap ng magandang design ng singsing.

Tingin dito.. tingin doon..

Medyo nakakalito kasi parang magkakamukha lang naman iyong mga singsing. Ano kaya maganda? Kahit anong gawin kong pag-iisip walang nagstand-out sa paningin ko.

"Miss anong singsing po ba ang pinakamahal?"

Napagdesisyunan ko nalang na bilhin ang pinakamahal na singsing na meron sa shop.

"Ito po Sir"

Inabot sa’kin ng saleslady ang isang maliit na kahon at binuksan ko iyon. Bumungad sa mga mata ko ang isang singsing na may malaking bato.

"Kukunin ko ito."

Sambit ko sa saleslady.

"Anong size ng ring finger ng girlfriend niyo Sir?"

Hindi ko alam na may ganun pa pala kahit na sa singsing. Akala ko sa mga sapatos at damit lang ang mga sizes pero pati pala sa singsing meron.

"Size? May ganun ba?"

Tanong ko sa saleslady. 

"Opo Sir."

"Hindi ko alam eh. Sukat mo na lang kaya Miss? Total eh mukhang parehos lang naman kayo."

Paki-usap ko sa saleslady.

"Naku Sir kung hindi po kayo sigurado eh isukat niyo na lang sa pinky finger niyo ang ring. May kasabihan po kasi na ang taong destined sa isa't isa eh magkaparehos lang ang size ng ring finger ng girl at pinky finger ng guy."

Hindi ko alam na may ganun palang kasabihan. Wala namang mawawala kung susubukan ko diba? Kaya kinuha ko iyong singsing at inilagay sa pinky finger ko.

Yun Oh! Tamang tama lang. Tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko para matingnan ko ng mabuti iyong ring. Alam ko bagay na bagay ito sa kanya.

"Ok na 'to Miss. Kukunin ko na."

Saka ko tinanggal ang singsing sa kamay ko at ibinalik ko sa maliit na kahon.

"Ok po Sir."

Inabot ko sa sales lady iyong credit card ko.

Binalot naman ng babae ang singsing at ibinigay sa akin.

"Ito na po Sir. Thank You ang Congratulations in advance Sir."

"Thank You" 

Umalis na ako sa mall na may abot tengang ngiti sa labi ko. Ang kailangan ko lang gawin eh magprepare para sa surprise ko. I want my proposal to be perfect and memorable for her. Bago pa ako bumalik sa bansa, hinanda ko na ang sarili ko para sa proposal na'to.

..300dwmch..

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Handa na ang lahat. Ang kailangan ko lang eh tawagan siya para ma invite ko.

Calling... Shan <

(Hello?)

Boses pa lang niya para na akong mahimatay. Sobra ko na siyang namiss. Gusto ko na siyang makita ngayon na mismo.

"Shan? How are you? Nakabalik na ako. Bumalik na ako."

(Kurt? Kailan ka pa dumating? Ang daya mo talaga. Sana man lang tinawagan mo ako para nasundo kita.)

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon