Chapter 46: Change of Mind

248K 2.6K 139
                                    

VINCE's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko..nag-iisip..Kinuha ko iyong  photo album namin.. Binuklat ko iyon at tiningnan ko iyong pictures namin ng pamilya ko noon.. Buo.. Masaya..Pero ngayon ako na lang ang naiwan.. Mag-isa.. malungkot.. Ayokong ganito na lang ako habang buhay.. Nakita ko ang isang picture ni Vina..Ang ganda ng ngiti niya..Naalala ko bigla si Yumi..

Kinuha ko iyong phone ko..

Calling Shanice..

(Yes Vince? may kailangan ka pa ba?)

"Ayoko na.."

(Ayaw mo na? What do you mean ayaw mo na?)

"Ayoko ng gawin iyong pinapagawa mo sakin.."

(But Vince..Hindi kana pwedeng magback out..)

"Buo na ang pasya ko Shanice..Huwag mo na akong isama sa kalokohan mo..Total sinauli ko na sayo iyong pera nong nakaraan.."

Kung naalala niyo..Sinauli ko iyong pera ni Shanice..

(Fvck Vince..Hindi ka talaga maasahan..Kung ayaw mo ako na lang ang gagawa..I don't need your stupidity..)

Tapos binaba na niya iyong phone..

Nong una gusto ko talagang balikan si Kurt..Gusto kong kunin ang pinaka importanteng tao sa buhay niya..Pero nong nakilala ko si Yumi..Nagbago ang lahat ng mga iniisip ko..

Nagbihis na ako para pumunta sa kaarawan ni Kurt..Marami akong kailangan ituwid..

Riing..Riing..

Yumi Calling..

"Hello Yumi?"

(Vince asan ka na?)

"Papunta na ako diyan..Pwede bang hintayin mo ako sa garden? May sasabihin kasi ako sa'yong importanteng bagay.."

si Yumi dapat ang unang makakaalam sa lahat..

 (Tungkol saan naman?) 

"Malalaman mo mamaya Yumi.."

(Cge..Hintayin kita dito..)

Binilisan ko na ang pagpunta sa venue ng party..walang oras na dapat masayang..Alam kong kumikilos na din si Shanice ngayon..Sa totoo lang hindi ko inasahan ang ugali ni Shanice..Iba kasi siya noon at sa ngayon..Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya..Hindi ko din alam kung bakit ganun na lang ang galit niya kay Yumi..

Nagmotor na ako papuntang venue..mas maaga akong makakarating kesa magtaxi ako..

Pumunta agad ako sa garden..Andun na si Yumi..Ang ganda niya..Hindi ko talaga mapigilang maisip si Vina..

Tatawagin ko na sana siya ng biglang may tatlong lalaking lumapit sa kanya..may pinaamoy sa kanyang panyo at bigla na lang siyang nahimatay..huli na ako sa pagdating..Dinala nila si Yumi sa kotse..

Sumakay ulit ako sa motor ko at sinundan iyong kotse na nagdala kay Yumi..Alam ko si Shanice ang may pakana nito..

Huminto iyong kotse..Dumistansya muna ako para hindi nila ako mapansin..Dinala nila si Yumi sa isang lumang bodega..Tutulungan ko na sana si Yumi pero alam kong hindi ko sila kaya..Ang dami nila..baka mas lalo pang mapahamak si Yumi..

Bumalik ako ng venue para puntahan sina Kurt..

Pero hindi pa ako nakakababa ng motor ko..nakikita kona sina Kurt..

Huminto ako sa harap nila at tinanggal ang helmet ko..

"Kurt.." bumaba ako ng motor

"Hayop ka!! San mo dinala si Yumi.." Bigla na lang akong sinuntok ni Kurt kaya bumagsak ako..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon