Chapter 5: We Meet Again

358K 4.6K 298
                                    

Yumiko's POV

5 pm na ng makarating ako sa bahay galing ospital. Ayoko sanang iwan si Dad kaso Saturday ngayon. Nakapangako ako kay Jane na darating ako sa party. Nakakahiya naman kasi kung aayaw pa ako eh binilhan na niya ako ng damit at sapatos. Naligo na ako and blowed dry my hair. Tapos I curled it and nilagyan ng maliit ng tiara. Naglagay na din ako ng make-up then nagbihis. Sinuot ko na din iyong heels then hinanda ko na ang pouch ko. Nilagay ko na iyong phone ko and other personal things.

Ding dong..Ding dong..

For sure si Jane na iyan. Bumaba na ako at dumeretso na sa labas. Chineck ko muna iyong mga pinto if na lock ko ng maayos baka mapasok pa ng magnanakaw. Mahirap na!

"Hi Jane ang ganda mo."

Bati ko sa kaibigan ko. Maganda naman palagi si Jane pero iba talaga iyong aura niya ngayon. Mas lalo siyan gumanda.

"OMG YUmi! Ikaw ba iyan? Ang ganda mo. Mukha kang manika."

"eh binobola mo naman ako"

"Ano kaba gurl hindi ka naman naniniwala sa akin."

"Cge na nga..Thanks Jane"

"Alis na tayo?"

Tumango lang ako at pumasok na sa kotse niya.

Pagdating namin sa venue, ang dami ng tao. Halos lahat eh business man. Ang dami pang taga media. Ganito ba talaga sila magpawelcome party?

"Jane. Umuwi nalang tayo. Nakakahiya ang daming tao."

Hindi kasi ako mahilig makipag mingle sa mga tao lalo na sa mga mayayaman.

"Ano kaba? Andito naman ako. Hindi ko rin naman kilala lahat eh kaya okay lang iyan. Sayan naman iyong suot natin at isa pa ipapakilala kita sa pinsan ko."

Sabi ni Jane habang hinawakan niya iyong kamay ko.

"Pero ano kasi.."

"Alam mo kumain na lang tayo."

Hinila ako ni Jane at kumuha ng pagkain. Konti lang kinuha ko. Busog padin naman ako. Pero si Jane ang takaw talaga kahit kailan. Ang daming kinuhang food eh. Hinintay ko nalang siya para sabay na kaming bumalik sa table.

"Iyan lang ba kakainin mo?"

Nilingon ko iyong taong nagsalita sa likod ko. Hindi ko inasahan na si Gab pala ang andito.  

"Gab? Ikaw pala. Ginulat mo naman ako."

Mahinang sabi ko sa kanya.

"Kala mo kung sino na noh? Alam mo dapat kumain ka pang marami."

Kinuha niya iyong plate ko at pinuno ng pagkain.

"Oh ayan. Ubusin mo lahat ha?"

Sabi niya saka niya binalik ang plato sa’kin. Paano ko ito mauubos lahat?

"Ang dami naman nito. Di ko 'to mauubos."

Sabi ko sa kanya.

"Para naman tumaba ka kahit konti. haha"

"Ang samo mo. Ayokong tumaba"

"Haha.. Hintayin mo ako ha. Kuha lang ako ng food ko."

Tumawa lang siya at kumuha na din ng plato. Mas madami pa iyong pagkain nia kesa sa pagkaing nilagay niya kanina sa plato ko. Ang takaw lang! 

"Tayo na? Asan table mo? Doon na lang din ako."

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon