Chapter 10: First Date?

340K 4K 278
                                    

YUMI's POV

"Ano ba kasi ang gagawin natin?"

Tanong ko sa kanya.

"We'll go on a date."

"Date?"

Grabeh naman siya kung makapagsalita lang ng date akala niya normal lang na gawain iyon. Hindi naman kami magboyfriend at girlfriend talaga para pumunta ng date. Anong akala niya?

"Yeah. why? Anything wrong with that? You're my fiance."

Fiance daw?  Hanggang ngayon hindi pa talaga nagsisink in na fiance niya ako..at fiance ko din siya..

Okay, hindi kami mag boyfriend at girlfriend dahil fiancé ko na pala siya.

"Ano kasi...Hmmm may pupuntahan pa kasi kami ni Jane."

Pagpapalusot ko sa kanya.

"Aisshh..Palusot ka pa..Just get in the car."

Utos niya sa’kin. Kung makautos lang talaga akala alila niya ako?

"Sa'n tayo pupunta?"

"Sa mall."

Ehh? Ano naman ang gagawin namin sa mall?

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumasok sa kotse niya.

Date nga pala..

I've never been on a date before..NBSB kasi ako.. 

FIRST DATE ko ito.. 

looking forward..wahahahah..joke lang..hindi ako excited..

Dahil parang di na ako makakaatras dito..tinext ko na lang si Jane..

To: Jane 

Jane sorry hindi na kita masasamahan..May emergency lang.. Sorry talaga.. ='c

Pagkatapos ng isang oras sa byahe nakarating na din kami sa mall. 

"We're here."

Pinark niya ang kotse. Tapos eh pumasok na kami sa mall. Hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin namin dito. Kakain lang ba? Sorry wala akong idea..

Buntot lang ako ng buntot sa kanya..Parang tuta lang sunod ng sunod sa master niya..

Pumasok siya sa isang shop kaya pumasok na din ako.. 

"Pumili ka na kung ano ang gusto mo diyan."

He's referring sa mga singsing na nakadisplay. Wala naman talaga akong hilig sa mga alahas pero dahil nandito nalang din kami eh bibili na lang ako.

Pero na shock ako sa mga price..

O.o

Millions?

OMG..

Mahirap ako.Hindi ko afford ang mga ito..para singsing lang eh milyones na agad..

“Baka pwede tumingin muna tayo sa ibang shop?"

"Bakit naman? Wala ka bang napili?"

"Hindi naman sa ganun. Ang mahal lang kasi. Hindi ko ma afford.. Wala akong pera."

Binulong ko lang sa kanya para naman hindi marinig ng mga saleslady..

"Haha..Alam ko namang wala kang pera. Di ko naman sinabi na ikaw magbabayad."

Tapos eh tumawa pa siya ng malakas.. Napatingin tuloy ang mga saleslady..

>.< 

"Hambog ka..>.< Pipiliin ko talaga ang pinakamahal dito."

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Where stories live. Discover now