Chapter 3: Mr. Stranger

394K 4.6K 139
                                    

Yumiko's POV

"Tungkol ito sa condition ng Dad mo Miss Perez"

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Konting konti nalang talaga at sasabog na ito na parang bomba. Nakikita ko sa reaksyon ng mukha ng Doctor na hindi maganda ang ibabalita niya sa’kin tungkol kay Dad.

"What about my Dad's condition doc?"

Tanong ko sa Doctor kahit na sobrang kinakabahan na ako.

"Didiretsuhin na kita Miss Perez. Your Dad's condition is getting worse. Kailangan na siyang maoperahan within this week."

Operahan..Operation..Alam ko kung anong ibig sabihin non. Kailangan na naman ng pera. Hindi lang 1,000 pesos hindi 2,000 kundi alam kung sobrang laki ng kailangan para sa operasyon na tinutukoy ng doctor.

"Magkano po ba ang kailangan doc?"

"2 million pesos."

Para akong mahimatay dahil sa narinig ko. 2 million pesos para sa operasyon? San ako kukuha ng ganun kalaking pera? Kahit na ibenta ko pa ang sarili ko hindi ko mahahanap agad iyon. Kahit anong gawin kong pagkayod hindi ko alam kung kelan ko mabubuo ang ganyang kalaking pera.

"Ho? Ganun ho kalaki? Ano po ang magiging consequence pag di mo matuloy ang operation within this week doc?"

"Maaaring ikamatay ito ng pasyente."

Ikamatay ng pasyente? Mawawala ang Daddy ko? Siya nalang ang natitira sa buhay ko tapos mawawala pa?

Mababaliw na siguro ako kung mangyari man iyan. Wala na akong dahilan pa para mabuhay kung mawawala din naman si Dad. Kung sana sinama nalang niya ako nong araw na na aksidente siya. I know it sounds selfish, pero sobrang nasasaktan ako sa mga pangyayari ngayon.

"Doc pwede po bang unahin niyo na lang iyong operation saka ko na lang po babayaran?"

Baka pwede pang pakiusapan ang doctor.

"I'm sorry Miss Perez pero hindi ko magagawa iyan."

Kinabahan ako sa sinabi ng doctor. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Napaiyak na ako sa harapan niya. Alam ko nakakahiya pero hindi ko na talaga napigil.

"Doc nakikiusap naman ako sa inyo oh. Bigyan niyo lang ako ng konting palugit babayaran ko din naman. Unahin niyo na lang muna iyong operasyon ni Dad"

"Miss Perez gusto ko mang tulungan ka eh wala na din akong magagawa."

"Doc naman. Please po. Sa inyo po nakasalalay ang buhay ng Dad ko." 

 Hindi ko na talaga ako natigil sa pag-iyak ko. Humagulgol na ako sa harap ng doctor. Hindi ko na makita ng maayos ang nasa paligid ko.

 "Magkano po ba ang kailangan Doc?"

Tama ba ang narinig ko?

Nilingon ko ang taong nagsalita. Sino siya? Ngayon ko lamanag siya nakita. Siya na kaya iyong taong palaging tumutulong ng palihin sa amin ni Dad? Gusto ko siyang tanungin pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

 "2 million pesos. How are you related to the patient?"

The doctor asked him if he's related to my dad pero hindi siya sumagot. 

 "Gawin niyo na po ang operasyon babayaran ko na ang lahat." 

Tumigil ako sa pag-iyak ko. Hindi pa kasi pumasok sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Panaginip lang ba ito? Guni guni ko lamang ba ito? Sana naman hindi. 

"Pero..Kilala po ba kita?" 

Tanong ko sa kanya ng mahanap ko na ang mga salita sa bibig ko. Pero hindi niya ako sinagot. Ni hindi man lang niya ako nilingon.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon