Chapter 58: Confessions

240K 2.5K 419
                                    

KURT's POV

Konting konti na lang at mababaliw na siguro ako.. Hindi na ako pumapasok sa mga klase ko..Hindi na ako nagpapakita sa mga tao..Hindi na ako lumalabas ng bahay..Kung lalabas man ako, si Yumi lang ang pinupuntahan ko pero ganun padin..nasasaktan pa din ako tuwing uuwi ako..

Naging karamay ko na ang alak sa problema ko..Alam ko hindi nababawasan ng alak ang problema ko.. 

Diiing..Dong..

Diing..Dong..

Tumayo ako at binuksan ang gate.. 

"Ma? What are you doing here?"

"Kurt? Are you drunk? Bakit ka ba umiinom?"

"I'm not drunk..Uminom lang ako ng konti.."

Tapos pumasok na siya ng bahay..

"Anak, I have to tell you something.."

 "What is it this time Ma? madami akong problema please huwag mo ng dagdagan.."

"Kurt..Listen to me..I know what happened between you and Yumi..and kasalanan ko iyon.."

Napakaseryoso ng mukha ni Mama..yes nakainom ako..Pero I'm not that drunk..Nakakapagsalita pa ako at nakakarinig ng maayos..

"Kurt I was forced by your Lolo to marry your Dad before..Nagpakasal kami para sa negosyo ng Lolo mo..ginamit niya ako para sa kapakanan niya..Nong college ako, may nakilala ako..Isa siyang waiter sa isang restaurant malapit sa university namin..Araw araw akong pumupunta don kasama ang friends ko para lang makita siya..Hindi nagtagal pumasok din siya sa university na pinapasukan ko..Naging magkaibigan kami hanggang sa lumalim iyong pagtitinginan namin..Naging kami pero hindi sumang-ayon ang lolo mo sa kanya dahil mahirap lang siya kaya naging patago iyong relasyon kami hanggang sa umabot kami sa puntong nagtanan kami..at nagkaroon kami ng anak.."

Anak? May anak si Mama sa labas?

"May anak ka sa labas Ma? Bakit hindi mo sinabi sakin iyon? Bakit ngayon pa? Alam ba to ni Papa? Sinong anak mo?"

"Alam ito ng Papa mo at nang Lolo mo..Iniwan ko sila noon kasi tinakot ako ng Lolo mo..Papatayin daw niya sila kapag hindi ako magpapakasal sa Dad mo..Kaya wala na akong nagawa..Napilitan akong magpakasal sa kanya..Naputol iyong komunikasyon ko sa kanila..Pero pagkalipas ng limang taon hinanap ko ulit sila..Nagkikita kami paminsan minsan ng ama ng anak ko..Pero binawalan niya akong makipagkita sa anak ko..hanggang tingin lang ako sa anak ko..Hindi ko man lang siya pwedeng malapitan.."

Naguguluhan ako sa sinasabi ni Mama..Bakit ngayon lang niya sinabi ang lahat ng ito?

"Sabihin mo nga Ma..Minahal mo ba si Papa?"

"Nong una, wala akong nararamdaman sa Papa mo..Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa ama ng anak ko..Pero nong kalaunan..Natutunan ko rin siyang mahalin..Palagi kaming nag-aaway non ng Papa mo..Marami kaming hindi pagkakaunawaan.."

Minahal niya talaga si Papa? Hindi ko alam kung kaya ko bang maniwala don..Dahil palagi lang silang nag-aaway ni Papa..Kaya nga ako umalis ng bahay namin at nagsarili dahil palagi silang nag-aaway..

"pero palagi na lang kayong nag-aaway ni Papa.."

"I'm sorry anak..Alam ko hindi namin dapat pinapakita sa'yo kapag nag-aaway kami ng Papa mo...Alam ko malaki ang pagkukulang namin sa'yo pero natutunan na naming mahalin ang isa't-isa..."

"Sino ang anak mo sa labas Ma?"

Gusto kong malaman kung sino..Bakit ngayon niya lang sinabi?

Hindi nakasagot agad si Mama..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Where stories live. Discover now