Chapter 55: 300th day

241K 2.4K 133
                                    

YUMI's POV

Simula nong nabasa ko iyong letter..Hindi ko alam kung uuwi pa ba ako sa bahay namin ni Kurt..Hindi ko maintindihan iyong laman ng sulat..

Hindi ko man lang alam kung ano ang totoo..Hindi ko alam..Hindi ko alam..

Riiing...Riiing...

Calling Kurt..

Riiing...Riiing...

Pero hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Kurt..

Dinial ko ang number ng Mommy niya..

Calling Mama..

(Hello Yumi? May problema ba ija? Napatawag ka ata?)

"Pwede po ba kitang maka-usap? Iyong tayo lang pong dalawa?"

(Ngayon na ba? May ginagawa pa ako pero sige..Magkita na lang tayo sa coffee shop..Mukhang importante ang pag-uusapan natin)

"Sige po..Hintayin na lang po kita.."

Pinatay ko na muna iyong phone ko..Masyado akong naguguluhan para makipag-usap pa sa iba..

Una akong nakarating sa shop..Hinintay ko na lang siya..

Binasa ko ulit iyong letter..Wala na si Dad para magexplain sakin kung ano ang ibig sabihin ng nabasa ko..Kaya ang Mama na lang ni Kurt ang tatanungin ko..

"Yumi..Something wrong?" tanong ng Mama ni Kurt pagdating niya sa shop..

Tapos umupo siya sa harap ko..

"Ano pong ibig sabihin nito?" kinuha ko iyong letter at binigay sa kanya

Binasa niya iyong laman ng sulat..

Napaiyak din siya sa nabasa niya..Maski siya nalilito..Pero kailangan kong malaman kung totoo ba ang lahat ng sinabi ni Dad..

"Yumi..patawarin mo ako..Hindi ko naman sinasadya.." kinuha niya iyong kamay ko at hinawakan..Umiiyak siya..

Maaawain akong tao..Pero sa sitwasyon ngayon, hindi awa ang nararamdaman ko kundi galit..Galit at pagkagulo..Paano niya nagawa iyon kay Daddy?

"Anong hindi mo sinasadya? Saan ba sa mga nagawa mo ang hindi mo sinadya?"

Pinigil ko ang pag-iyak ko..Ayokong makita niya na mahina ako..

"Yumi..I can explain.."

"You can explain? So totoo pala lahat ng sinabi ni Dad sa letter? Kung hindi ko pa nabasa iyan baka buong buhay mo nang hindi sinabi sakin ang totoo"

"Yumi please listen to me first..Mag eexplain ako"

"Wala kang kailangang ipaliwanag..."

Tumayo na ako at iniwan siya sa coffee shop..

"Yumi please, let me explain.."

Hindi ko na siya pinakinggan..Sapat nang malaman ko ang katotohanan..

Hindi na ako bumalik sa dati naming bahay..Hindi narin ako umuwi sa bahay namin ni Kurt..Wala na akong uuwian ngayon..Wala na..Wasak na wasak na ang pagkatao ko..

T___T

Palakad lakad lang ako sa daan..Hindi ko alam kung saan ako pupunta..

Hanggang sa nahanap ko nalang ang sarili kong nakaupo sa bench ng park..

Tumitingin sa mga bituin..

"Bakit mo ako iniwan Dad?" 

Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang naging desisyun ko na pakawalan si Dad..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon