STANLEY #4

142K 3.3K 630
                                    

STANLEY #4

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na akong first kiss. At nawala pa iyon mismo ng araw ng birthday ko. Nakakasakit lang ng loob. Nanakawan pa ako ng halik. Ano ba yan. Kung alam ko lang na si Toryang ang gagawa ng first move, inunahan ko na sana siya. Montreal ako. Hindi dapat ako naiisahan.

Napansin kong nakatitig si Nanay sa akin habang nilalagyan niya ang pinggan ko ng pancit canton. Kinuha na rin ni Shana ang toyo at nilagyan ang canton ko. Ngumiti si Nanay sa akin. Tumayo ako niyakap siya sa beywang.

"Ang tahimik mo yata." Nangingiting sabi ni Nanay sa akin. Ngumuso ako.

"Nag-iisip po ako--"

"Wow. Gumagana pala yang utak mo Kuya! It's a miracle!" nakataas pa ang kamay ni Shana habang sinasabi niya iyon. Kinuha ko ang isang slice ng gardenia at binato sa kanya iyon.

"Alien." Asar ko dito. Nilabas lang niya ang dila niya.

"Halimaw."

"Bansot!"

"Pangit." Nakangisi niyang sabi. Nabulabog ang buong pagkatao ko.

Ako?

Si Stanley Philip Montreal..

Pangit?

Hindi agad ako nakarecover sa sinabi ni Shana. Hindi ko matanggap. Imposible. Imposibleng gamitin sa iisang sentence ang pangalan ko at ang salitang pangit. Hindi pwede dahil perpekto ang mukha ko. hindi ako pangit. Alien talaga ang kapatid ko. Baligtad ang mata niya.

"Ay, tumigil na kayong dalawa." Natatawang sabi ni Nanay. Tiningnan niya ng masama si Tatay na nagbabasa ng dyaryo. Lumapit siya dito at pinitik ang ulo ni Tatay.

"At ikaw, wala ka bang balak pumasok ngayon?" pangsisita niya kay Tatay. Binaba ni Tatay ang dyaryo at hinila si Nanay para kandungin ito. Niyakap niya si Nanay at binaon ang mukha niya sa leeg. Mukhang may binulong siya pero hindi namin narinig ni Shana. Ang alam ko lang ay namula ng husto si Nanay.

"Alessandro!" gulat na gulat na sabi ni Nanay. Tumawa lang si Tatay bago ako tiningnan.

"Tol, kinse ka na diba?" tanong niya sa akin. tumango lang ako dahil busy na ako sa pagkain ko ng canton. The love of my life. Ang canton. Bow.

"Bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend? Noong ako yung nasa edad mo, may tatlo ako. At sabay sabay--aray ko Phoebe!" bigla siyang napatigil ng hilain ni Nanay ang buhok niya. Tiningnan ko si Tatay ng masama.

"Tatlo lang?" nanunukso kong sabihin. Ayaw ko namang mapahiya si Tatay kaso ang yabang niya eh. Tatlo lang pala ha?

"Bakit ikaw ba?" natatawang sabi nito.

"Alin bang gusto mong bilangin Tatay? Yung tumagal ng linggo o ng buwan? By alphabetical order o by chronological? By height o by weight?" walang pakialam kong sabi. Tawa lang ng tawa si Tatay sa sinabi ko. hala? Bakit siya tumatawa? Hindi naman yun joke. Seryoso kaya ako. Marami akong babae. Maraming marami.

"Sige. Alphabetical, by weight at yung tumagal ng linggo sayo." Paghahamon ni Tatay. Dumiretsyo ako ng upo.

"Hmmn, I had Alaine, Bianca, Carla, Dianne, Ehra, Felize, Ginger, Henley--"

"Toryang." Sabat ni Shana. Pinandilatan ko lang siya.

"Wala pa tayo sa letter T." sabi ko. Ngumisi ang kapatid ko at napapalakpak.

"Tatay oh! Girlfriend nga ni Kuya si Ate Toryang!" sigaw ng maingay kong kapatid. Nanlaki naman ang mata ko.

"Hindi ah! Bungi kaya yun!"

"Kumpleto na ipin ko Tan Tan. Matagal na."

Bigla akong napatingin sa pinto at nakita ko si Toryang na nakatayo sa pintuan ng kusina namin. Nagmano siya kay Nanay at Tatay bago umupo sa tapat ko.

Tinitigan niya ako bago tiningnan ang labi ko. Bigla akong kinabahan sa klase ng titig niya. Yumuko siya habang nakangiti. Nayakap ko naman ang sarili ko. Grabe itong si Toryang.

"Pero ako na lang mag-isa ang girlfriend mo ngayon hindi ba Tan?" Nakangiting sabi ni Toryang. Napakurap ako.

"Ano?"

"Pero wag kang mag-alala. Tatay, gusto ko po sanang hingin ang kamay ni Stanley. May nangyari na po sa amin."

Nabitawan ni Nanay ang hawak niyang kutsara habang si Tatay naman ay napatitig kay Toryang. Ako naman ay namutla. Tinuro ko si Toryang.

"Siya ang nauna!" sabi ko. Kumakabog na talaga ang dibdib ko.

"Ako po talaga ang nauna. Pananagutan ko po ang dignidad ng anak ninyo." Seryosong sabi ni Toryang. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako.

Masyado pa akong bata.

Hindi pa naexposed ang gwapo kong mukha.

Hindi pwede ito.

Hindi ako pwedeng mapikot.

Magluluksa ang mga babae.

---------------------------------

Okay, hindi na ito lima. Nag-eenjoy ako kay Stanley eh.

Pakabasahin na ninyo ito kasi sa Seducing The Bad Boy, POV ni Toryang ang gagamitin ko. masyado daw kasing pogi si Stanley kaya magpapakamysterious siya sa kwento niya.

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon