Shivers And Shakes

223K 4.1K 185
                                    

41

At dahil mas mahal niya si Stanley kesa sa akin na kapatid niya. Eto na che!

----------------------------------------------------------------

"Ate Phoebe! Come here! Hindi pa tapos yung make-up mo!"

Napatingin ako kay Allison na patakbo nang papunta sa akin habang hawak ang laylayan ng gown niya. Hinarap ko siya bago ngitian.

Today is Xavier's birthday. Nandito ang buong pamilya nila sa simbahan and everyone was wearing their best dress.

"I'm done Ali. Okay na ako." Sabi ko dito. They we're playing with me. Ginagawa nila akong manika at inaayusan para ipakita kay Sandro mamaya.

Napangiti ako ng sumagi ang lalaking iyon sa isip ko. Eversince the night of Chance's engagement, bumalik na ako kay Sandro at Stan. And now, I am having the time of my life being with the two of them. Masaya ako na kahit iniwan ko sila ay nahintay pa rin nila akong bumalik.

"Iih.. Ate.." she whined. Tumawa na lang ako and saw Daphne walking to our direction.

"Si Daphne na lang ayusan mo." Sabi ko dito. Biglang umasim ang mukha ni Allison bago umiling at walang sabi sabing iniwan ako. I sighed and just looked at her. Daphne, Chance's fiancée came to me.

"Hi." Mahina nitong sabi sa akin. I smiled at her.

"Can I sit beside you?"

"Sige." Umisod ako ng kaunti para makaupo siya. She smiled at me again bago tiningnan ang mga lalaki na nagluluto ng barbeque. I looked at Sandro na inis na inis dahil hindi pa rin niya mapaliyab ang uling. Andrew was just sitting pretty at the lounge chair at hindi tumutulong. Si Xavier naman ang kumukuha ng mga litrato.

"Gusto mong pumunta doon?" tanong ko kay Daphne. She smiled before shaking her head.

"Wag na. I'll stay here."

"Come on. Chance will be happy if you will stay at his side." Sabi ko dito pero marahan lang siyang umiling.

"Sige na. Puntahan mo na si Sandro. Nag-aaway na sila ni Stanley doon sa karne." Sabi nito. I looked at her bagp tumayo at iniwan ito. She seems so sad. Bakit kaya?

"Nanay!" sigaw ni Stanley hindi pa man ako nakakalapit dito.

"Bakit?"

"Si Tatay, ang kulit! Di ba ako pwedeng tumulong mag-ihaw?"

Yumuko ako para punasan ang pawis sa noo nito.

"Sandro, yung bata oh. Patulungin mo naman sayo."

Nilingon lang ako nito bago nagpunas ng pawis sa noo.

"Phoebe, baka mapaso yan." Inis nitong sabi. Ilang beses din niyang nabitawan ang pamaypay dahil hindi siya mapakali. Lumapit ako dito at hinawakan ang braso niya.

"Ayos ka lang?"

"Just, go away first Phoebe. Baka mainitan ka. Pumasok ka muna sa loob." Sabi nito. Napanganga ako sa inasta niya. Did he tell her to get lost?

Tinitigan ko ito bago padabog na naglakad papasok. Naramdaman kong may umakbay sa akin and I saw Andrew.

"Sandro's being an ass today." He muttered. Hindi pa man ako nakaksagot ay may humila na sa akin. Bumangga ako sa dibdib ni Sandro na sobrang higpit ang hawak sa akin.

"Hi Sandro!" tuwang tuwang sabi ni Andrew at tinaas pa ang kamay para makipagapir dito. Sandro glared at him bago binigay ang toyo. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palayo sa pinsan niya. Hindi ito nagsasalita kaya nagtaka na talaga ako.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon