Neon Lights

222K 3.9K 383
                                    

35

"Tatay, wag mo na nga kasi ako sabing samahan! Diyan ka na lang! ang laki laki ko na eh!" tumaas lang ang kilay ni Sandro bago pinitik ang noo ni Stanley. Napasinghap ako at agad nilayo yung bata sa kanya.

"Wag mo nga! Alessandro naman eh! Wag mong patulan yung bata.Para kang ewan--" naramdaman ko ang pagyakap ni Stanley sa beywang ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. Yumuko ako at nakangiti itong nakatingin sa akin.

"Hihi. Thank you Sweetheart! Tay, narinig mo yun?" he stuck his tongue put and glared at his father bago tumakbo na papuntang backstage. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Lumunok ako ng ilang beses dahil naiiyak ako nang marinig ko kung ano ba ang itinawag niya sa akin.

"Let's go." Sandro held my hand at hinila ako papalapit sa upuan ng mga magulang. He smiled to a lady with chinky eyes. Lumapit ito sa amin.

"Hey!Kanina pa kita hinihintay Sandro. Akala ko hindi ka na darating." The woman smiled sweetly at nakipagbeso kay Sandro. Tumaas naman ang kilay ko when Sandro smiled at her back.

"Excuse me--"

"Where's Gian? Nasa likod na?" Sandro said at naputol ang dapat kong sasabihin. Tumango ang babae bago umupo na. Sandro sat beside her at hinila ako para magkatabi kami. bale, he is in between me and that chinky-eyed woman.

"Sandro." Nagsalita ako. Tumingin si Sandro sa akin. tinaasan ko siya ng kilay and I opened my mouth to speak.

"Maganda yung mga kanta ngayon ng mga bata." The woman said again. I bit the sides of my mouth ng muling bumaling sa kanya si Sandro at hindi na naman ako pinansin. Tuluyan ng kumulo ang dugo ko because of Sandro's action. How dare him to ignore me! Bwisit siya!

Nag-kwentuhan lang silang dalawa habang nakahalukipkip lang ako sa upuan ko.

"Hey."

Tumingala ako and saw Brick grinning at me. Narinig ko ring napatigil sila Sandro sa pag-uusap.

"Hey,upo ka." Sabi ko. Umiling si Brick at tinitigan ako. Somehow, I understood kaya tumayo na ako pero muntik pa akong madapa when Sandro held my wrist.

"Saan ka pupunta?"

"Sa pupuntahan." At mabilis kong hinila ang braso ko. I held Brick's shoulder. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Tiningnan ko siya at mabilis niya akong niyakap.

"It's done. It's almost done Selene." He whispered. Nanigas ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Naghiwalay kami ni Brick at pinunasan niya ang luha ko.

"Pumayag na siya Selene. She will file a case against your grandfather. But she's asking for something in return."

"Ano yun?"

"Gusto niyang mapatawad mo siya. And her mother."

Napatingin ako kay Brick noon. Kaya ko ba? After everything that they did to me, makakaya ko bang kalimutan iyon?

"Hindi kita minamadali Selene. But please, consider it. We need her." Brick said. Tiningnan ko siya bago lumunok. Pinunas ko ang kamay ko sa mukha ko before nodding.

"Puntahan natin siya bukas Brick."

Lumawak ang ngiti ni Brick at lumapit sa akin. He kissed my forehead and I smiled at him.

"Ikaw talaga--"

Hindi ko alam kung gaano kabilis ang pangyayari. Bigla na lang may nanghila sa akin at nakabulagta na si Brick sa semento. Nilingon ko si Sandro na madilim na nakatingin dito.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon