STANLEY #2

160K 3.1K 307
                                    

STANLEY #2

"Ayaw ko nga kasing sumama Tatay!" sigaw ko na rinig sa buong bahay. Binaba ni Tatay yung maliit niyang maleta.

"Tol, maganda pa lang na bata ka pa lang natututo ka na sa kumpanya--"

"Ayaw ko nga kasi! Gusto ko dito lang ako! Magdadrums lang ako!"

Nagtitigan lang kaming dalawa ni Tatay. Siguro iniisip niya kung sino ang mas gwapo sa aming dalawa. Asa pa siya.

"Ano na naman ito? Ang aga aga, sigawan agad." Natatawang sabi ni Nanay habang lumalapit sa amin ni Tatay. Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap sa beywang niya.

"Nanay!"

"Oh bakit po Manong ko?" natatawang sabi ni Nanay. Ang ganda talaga ni Nanay. At ang bait pa. Katulad ko.

"Si Tatay sinasama niya ako doon sa bahay na maraming hagdan!" sumbong ko. Tumingin si Nanay kay Tatay dahil hindi niya ako naintindihan.

"Sa building Phoebe. I'll teach him how to handle the business."

"Sandro, he's just ten."

"So?" maang na tanong ni Tatay. Napanguso ako dahil hindi na sumagot si Nanay. Ganyan naman talaga eh. Laging si Tatay ang nasusunod. Kapag talaga ako malaki na, palalayasin ko siya dito sa bahay.

"Phoebe, it's for the better. At ikaw, wag ka ng makulit." Tinuro niya ako bago ako nilampasan. Tiningnan ko si Nanay. Yumuko siya para magpantay kaming dalawa.

"Makinig ka na lang kay Tatay ha?"

"Ang daya naman eh!" sigaw ko bago tumakbo palabas. Kinuha ko ang bente ni Tatay sa may vase bago dumiretsyo sa tindahan para bumili ng canton. Pero dumiretsyo muna ako sa bahay ni Toryang. Gusto ko siyang makita. Iinisin ko siya para pareho na kaming bad trip ngayon.

"Si Toryang po?" tanong ko sa Tatay niya.

"Nasa tindahan. Bumili ng suka Stan." Sagot nito. Napangiti ako. Sakto. Pareho lang pala kami ng pupuntahan.

Malapit na ako sa tindahan ng makita ko si Toryang na humahalik sa semento. Lalapit pa sana ako para lalo siyang ingudngod sa lupa ng lumapit sa kanya si Greg at inalalayan siya. Napataas ang kilay ko sa ginawa nito kay Toryang.

At eto namang isa, ngumingiti pa kay Greg, kulang naman ipin niya. Nakakainis silang dalawa.

"Greg!" sigaw ko dito. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Ano Stan? Practice na?" tanong nito sa akin. At mas lalo akong nainis ng maalala kong kasama ko pala siya sa banda. Siya ang gitarista. Pero mabuti na lang din yun. Kapag magkatabi kami ni Greg, lalong lumalabas ang kagwapuhan ko. Effortless.

"Bakit nakabusangot ka Tan Tan?" sabat naman ni Toryang. Tiningnan ko lang silang dalawa. Mas nainis ako dahil dumidikit si Toryang kay Greg.

"Pangit ka kasi." Sagot ko. nawala ang ngiti niya. Tiningnan ko si Greg.

"Wag kang pupunta sa bahay. Bawal ang panget doon. Si Toryang lang pwede." Sabi ko bago ako tumalikod.

Bwisit sila. Tss.

Hindi ko alam kung bakit pero mas naasar ako lalo. Katulad na lang ng pagkaasar ni author dahil hindi siya nanalo sa poetry. Sayang exposure ng legs niya.

Inis. Kasalanan kasi ito ni Toryang. Bungi kasi siya.

-------------------------------------------------------

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon