STANLEY #3

143K 3.3K 502
                                    

STANLEY #3

"Happy birthday sweetheart." Bati ni Nanay sa akin hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan. Ngumiti lang ako at binuksan ko ang mga braso ko para mayakap siya.

"Happy birthday halimaw!"

Napapikit naman ako ng marinig ko ang boses ng kaisa isa kong kapatid. Bakit kahit limang taon pa lang siya, maloko na siya? bakit hindi ko siya katulad? Noong ako yung nasa edad niya, sobrang bait kong bata. Hanggang ngayon pala. Mabait pa rin ako.

Pero ibang kaso si Shana. Manang mana siya kay Tatay. Pareho sila ng ugali. Buti na lang kay Nanay talaga ako nagmana. Sobrang bait ko, minsan nga iniisip ko, anghel siguro talaga ako. Grabe lang kasi yung kabaitan ko. Tapos ang sweet ko pa. Ganyan talaga, gwapo. Kaya ang dami kong manliligaw eh.

Baka ampon lang ni Nanay si Tatay? Hindi naman kasi ako mana sa kanya. Ang yabang kaya ni Tatay. Tapos mainitin ang ulo. Maikli ang pasensya. Gwapo-- ah doon, kuhang kuha ko iyon. Pero, hindi naman ako katulad ni Tatay diba? Diba?

Haist. Sigurado talaga ako, ampon lang si Tatay.

"Kuya!!" sigaw ulit ng alien na tinatawag nilang kapatid ko.

"Ano?!"

"Eh, init ng ulo nito. Birthday na birthday nakasigaw agad?" tuloy na tuloy na sabi niya. Alien talaga ang kapatid ko. Masyado siyang advance sa edad niya. Pero mas matalino pa rin ako. Gwapo ako. Walang tatalo sa akin.

"Isa, sisipain talaga kita--"

"Tatay! Death threat!" sigaw ni Shana bago tumakbo kay Tatay. Napailing na lang si Nanay sa inasta ng bunso namin.

"Asan?! Ilabas ang canton pampatay sa halimaw!" sigaw din ni Tatay at nilabas na nila ang canton na--ehem-- paborito ko. Handa akong ipagpalit si Shana at si Tatay magkaroon lang ako ng unlimited na supply ng canton.

Tumakbo ako para kumain na pero hinila ni Nanay ang kwelyo ng shirt ko.

"Si Toryang nasa labas."

Masama ang loob ko ng lumabas ako. Nahiwalay ako sa pag-ibig ng buhay ko. grabe talaga si Toryang. Ang galing ng timing niya. Palakpakan!

"Bakit--"

Bigla siyang tumingkayad at hinalikan ako sa labi. Mabilis lang pero nagulat pa rin ako.

"Happy birthday Stanley." Nakangiti niyang sabi bago tumakbo palayo.

At gusto kong umiyak sa ginawa ni Toryang.

Hinalikan niya ako.

Kahit na hindi pa ako nagtutooth brush.

---------------------------------------

Lima lang ito. :)

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon