Epilogue

227K 4.2K 260
                                    

EPILOGUE

"Phoebe, I'll go ahead." Paalam sa akin ni Lizzy, kaisa isa kong kaibigan dito sa Germany. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagbabalik ng mga libro sa stacks.

Inayos ko ang salamin ko sa mata at luminga. Sinigurado ko munang wala na ang boss ko at Malaya na akong makakapagbasa kahit na working hours ko pa. Gusto ko na kasing malaman ang ending ng novel na binabasa ko. How will Elizabeth Bennet overcome her pride kaya? Agad kong kinuha ang libro no Jane Austen at agad na binuksan iyon sa kasalukuyan kong page.

Nagtago ako sa pinakalikurang shelf pero napahinto na lang ako sa paglalakad nang may makita akong lalaking nakasandal sa may shelf at nakasuot ng sunglasses. Luminga ako sa paligid. Grabe ha? Ang taas naman yata ng araw sa loob ng library?

"Uhm.." I tried poking the guy's head pero hindi ito gumalaw. Lumapit ako sa kanya at tumapat sa mukha niya. Tulog ba siya?

Akma ko na sanang tatanggalin ang salamin niya sa mata ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napasinghap na lang ako sa sobrang pagkabigla.

"What do you think you're doing?" malamig niyang tanong sa akin. hindi ako nakasagot dahil sa takot ko sa kanya. Ibang iba ang aura niya sa mga normal na lalaki na nakikita kong bumibisita sa city library. Lalayo sana ako sa kanya pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

"You can't sleep inside Sir. You have to go out." Sabi ko dito. Siguro naman nakakapagsalita siya ng English? Nag-english siya kanina eh.

"And you can't read a book while you're still working Miss." Maangas niyang sagot. Binitawan niya ako at sinandal ulit ang ulo sa book shelves.

"Ang kulit nito." I muttered. Inis kong kinuha ang libro ko at akma na sanang tatayo when I heard the guy chuckled behind me.

"Ikaw ang makulit."

"Pilipino ka rin?!" gulat kong sabi. Bigla akong nakaramdam ng excitement ng malaman ko na Pinoy pala itong lalaking ito. Ang tagal ko na rin kasi sa Germany at wala pa akong nakikilala na Pinoy na halos kasing edad ko na lamang.

"Siguro. Nagtatagalog ata ako eh." Sarkastiko niyang sabi. Biglang nawala ang ngiti ko sa klase ng sagot niya sa akin. tinitigan ko ang siya at tumalikod na.

"Miss!"

Hindi ko siya hinarap. Mainit ang dugo ko sa mga antipatiko at sakastikong lalaki, kahit pa na Pilipino sila! Mga bwisit!

"Miss!"

Wag kang lilingon Phoebe. Wag kang lilingon.

"Miss!"

Malapit na ako sa pintuan ng maramdaman kong may yumakap sa beywang ko at may bagay na itinali doon. Tiningala ko kung sino man ang lapastangan na iyon at nakita ko ang lalaking antukin. Umismid ako at sinubukan siyang itulak pero yumuko siya para bumulong sa akin.

"May tagos ka."

Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya at iniwan ako. Doon ko lang napansin na ibinalot niya ang leather jacket niya sa pang upo ko para hindi mahalata na may tagos ako. Kaya pala ang daling mag-init ng ulo ko ngayon.

Tumakbo ako papuntang banyo para sana maayos ko ang sarili ko. Tinanggal ko ang jacket and inspected it. Infairness, ang bango niya. Mayaman siguro yung may-ari nito.

Kinalkal ko ang mga bulsa, baka kasi may credit card o pera siyang naiwan. Muntik na sana akong mapasigaw when I felt something on one of the pockets, pero ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita kong puting papel lang iyon. Itatapon ko na sana pero nang binaligtad ko ay may mga letrang nakasulat. Nilapit ko iyon sa mata ko at binasa.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon