Fake

221K 3.9K 210
                                    

36

"Ano?" asik ko kay Sandro. Kanina pa kasi ito nakatitig sa akin. Ngumiti lang ito sabay iling. Binalingan na niya si Stanley na tuwang tuwa sa spaghetti na inorder ng ama niya para sa kanya.

Hindi ko na pinansin ang pinaggagagawa ni Sandro. I focused on my food kahit pa ramdam ko talaga ang malagkit na tingin ng katabi ko sa akin.

"Tatay, may sauce si Sweetheart sa bibig niya oh." Natatawang sabi ni Stan. Tumaas ang kilay ko at akma na sanang aabutin ang tissue when Sandro stopped me.

"Ako na." he said. He tilted my head and kissed the side of my mouth. I gasped in what he did at talagang nanlaki na ang mata ko.

"Ang sarap." He licked his lower lip at lahat na ng dugo sa katawan ko ay umakyat na sa mukha ko. I just rolled my eyes at him at nagpanggap na wala lang ang ginawa niya sa akin. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Sandro bago niya binalingan ulit si Stanley.

"Tay, diba mayaman ka?" tanong ng anak ko dito. Tiningnan ko si Sandro na busy sa paginom ng coke niya.

"Ano na namang ipapabili mo?" walang ganang tanong ni Sandro. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang katabi.

"Binibili mo lahat ng gusto ng bata?"

"Oo naman. May pera akong tao Selene. I could do anything I want to do with my money." Mayabang nitong sabi. Napailing na lang ako sa sagot niya at hinarap siya.

"Sandro, Stanley is just a nine year old boy. Hindi mo dapat siya iniispoil. Dapat turuan mo siya kung paano ba matutong limitahan ang sarili niya. It doesn't mean that you have the money eh gagasta ka na lang---Are you listening?" tanong ko dito. Parang walang pakialam si Sandro na nagsasawsaw lang ng fries sa sundae ni Stanley. Hindi nga siya nakikinig sa akin.

"TATAY!" sigaw ng bata at nilayo ang sundae niya kay Sandro.

"Ang damot nito. Ako naman nagbayad niyan Tol."

"Kahit na. Bayaran ko pa ito sayo Tay." Mayabang na sagot ni Stanley dito. I gasped at the two of them and shook my head. Bakit ba nagmana ang anak ko sa ama niya?

Kinuha ni Stan ang tinidor niya pati na rin ang tinidor ni Sandro at ginawang mga drumsticks iyon.

"Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo~" kanta ng anak ko. Natawa na lang ako sa pinaggagagawa niya lalo pa't pinagtitinginan na siya sa loob ng McDo.

"Saan siya natutong tumugtog?" tanong ko kay Sandro na nakatitig lang sa anak.

"Xavier. My brother taught him how to use a guitar. Then eventually, Stan loved music kaya nag-aral rin siya ng drums.." kwento nito. Tumango ako at kinuha ang coke ko.

"Stanley was..he was really devastated when Phoebe left.."napatigil ako sa pag-inom ng nagsalita ito ulit.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon