6

1.2K 21 0
                                    

Sehun's POV

I knew it was a bad idea na bumalik pa kami sa VIP lounge ng Xordium. The moment she sat with my friends, walang tigil na ito sa pag-inom ng alak. She was drinking shot after shot. I couldn't blame her, disappointed siya sa naudlot na date nila ni Kai.

At nang nalasing ito, alam ko na agad kahahantungan. For sure, she'll mess it up pretty badly tonight.

I watched her as she swig a shot from the bottle of brandy. Mapungay na ang mga mata nito and she keeps biting the bottom of her lip.

"Hikk.. akala ko talaga date namin to ni.. niyan oh..." malungkot na sambit ni Hae Min habang lupaypay na tinuro si Kai.

The members find her amusing and funny. Pero ako kanina pa naiinis sa mga kinikilos at pinagsasabi nito.

"Kung sinabi sakin ni Sehun na date pala 'to, hindi kita dito dadalhin. This is a freaking dance club hahaha! Who would bring a date to a place like this?" natatawang sabi ni Kai.

"Hahaha! At least nameet ka naming lahat finally. Panay kwento lang kasi dati samin si Sehun tungkol sayo." nakangiting wika ni Xiumin.

The way my friends looked at her keeps bothering me. Are they flirting with her??? Parang gusto ko ng hilahin si Hae Min at kaladkarin pauwi.

Napailing ako sa mga naiisip. Ako naman dapat sisihin bakit andito silang lahat ngayon. I should've just let Hae Min date Kai in the first place.

"Cheers for Sese! hikk.. dahil nakilala ko rin kayonnggg lahat... hikk.." aniya at inangat ang bote ng brandy. Papikit-pikit na ito at nagsw-sway na parang mawawalan ng balanse.

Nagsikuha ng kanya-kanyang baso ng alak ang mga kaibigan ko and they all clinged their glasses along with her.

"Cheers!"

Tinapunan ko ito ng matalim na tingin. I crossed my arms on my chest and shook my head slowly in disapproval.

She's having too much fun and I don't like it.

"Wui, ayos ka lang ba?" tanong ni Chen sakin.

"Ayos lang ako. Pero maya-maya hindi na." inis kong sagot ng di inaalis ang tingin kay Hae Min.

"Next time isasama ko si Yoona para may kabonding ka rin na babae." sabi ni Chanyeol kay Hae Min.

"Yoona..? hikk.. diba si Zia dapat? Niloloko mo ba bestfriend ko hah? hikk.." nalitong tanong ni Hae Min. Napakamot ulo nalang si Chanyeol and gave her a puzzled look.

Wala na talaga 'to. Nalito na si Hae Min kay Chanyeol at Se Ju.

"Aayyy waiiiittt.... naalala ko... alam niyo ba sinabi sakin.. hikk.. niyan ni Sese kanina.. kung may balak daw ba ako na.. hikk.. makipagse---"

I've had it. She's out of control!

Kaya bago pa tapusin ni Hae Min ang sasabihin, tumayo na ako at hinila ito.

"That's enough. I'm taking you home." inis kong sabi habang hawak siya sa braso.

"Arayyyy.. hikk.." slo-mo na sambit nito while I drag her out of her seat.

My friends were surprised with my action. Tumayo si Kai at akmang aawatin ako.

"Pre nasasaktan si Hae Min..." nag-aalalang wika ni Kai na ikinaasar ko pa lalo.

"Bakit uuwi na kayo agad? Wag muna..." protesta ni D.O.

"Ongaaa... party pooper..!" naka-pout ang labi ni Hae Min at nakasimangot na nakatingin sa akin.

"Ano?! Ako pa killjoy?! Look at you! Sigurado bukas mahihiya ka sa mga pinagagawa mo!" di ko na napigil pagtaasan ito ng boses.

"Relax lang Sehun. Sige na. Hatid mo na si Hae Min. Marami narin siya nainom." kalmadong sabi ni Suho. Tumayo ito para tulungan ako maakay ang bangag na Hae Min.

At nang paalis na kami, humirit pa ng linya ito.

"Saranghae EXO! hikk.. we are one! hikk.." sigaw ni Hae Min at mukhang tangang ngumiti sa kanila.

Gusto ko man matawa dito ngunit mas umiral ang pagka-inis ko.

She'll definitely regret this tomorrow, pailing-iling kong nasabi sa sarili at tuluyan na kaming umalis.

____________________________
Hae Min's POV

Gising na ko ngunit ayoko pang magmulat ng mata.

My head felt like it's splitting into two.

Haizt.

Nalasing na naman pala ako kagabi.

Unti-unti nagflashback lahat ng kahihiyan na pinaggagawa ko kagabi. From the moment I thought it was a date with Kai up until I got drunk and wasted.

Juskoooooo!!!!

Napabalikwas ako ng bangon nang marealize ang mga kabaliwang eksena ko kagabi. Pati yung pagsigaw ng saranghae exo.. wtf?!!! Why did I do that???

"WAAAAAHHHH HUHUHU!!! Nakakahiya ka Hae Min juskoooo!!! At sa harap pa ng EXO mo yan pinaggagawa? What the heck, Hae Min?!!" mangiyak- ngiyak kong sambit sa sarili habang tinatakpan ang mukha ko.

Naramdaman kong may humila ng kumot sa aking gilid. Lumingon ako at nakita si Sese, mahimbing pa itong natutulog.

"KASALANAN MO TO EH!!!" sigaw ko dito at pinaghahampas ang nakalitaw na braso niya sa kumot.

He slowly opened his eyes and gave me a surprised look.

"Ano?!! Masaya ka na hah??!! Nagmukha akong tanga kagabi dahil sayo!!" gigil kong sumbat sa kanya.

"Luh.. Bakit ako? Ikaw tong nagpakalasing at kung ano-ano pinagsasabi tas ako sisisihin mo?" balik nito sakin.

Nadistract naman ako nang bumangon ito mula sa kama at makitang nakaboxers lang ang suot. Naglakad ito papunta sa drawers at naghanap siguro ng tshirt.

Haizt...

Biniyayaan nga siya ng perfectly hot body pero sayang dahil walang babaeng makikinabang. Swerte pa ako kahit papaano, from time to time nasisilayan ko ang mala-adonis nitong katawan.

I wonder how it feels like to run my hands over that lucious body?

Wait what?!!

Eeew!

Hae Min ang manyak mo naman! Paano mo naiisip yang mga ganyang bagay??!! He's your gay bestfriend!!

Tinapik ko ang aking pisngi para magising. Mukhang tulog pa ata ang utak ko.

"Sana maaga mo ako inawat manlang. Maygawd!! Ano nalang iisipin sakin ni Kai? Nakakaloka!!" nawiwindang kong sabi.

Nagsuot siya ng plain white shirt at bumalik sa kama. Dumapa ito at tumingala sa akin.

"Hmm.. Na isa ka palang baliw at pscychopath? Dapat pala nirecord ko nung sumigaw ka 'saranghae exo we are one!' That was epic, Min-Min! Pfftt wahahahaha!" walang awat nitong pagtawa.

Namumula na ang pisngi ko sa hiya. Parang gusto ko nalang maging monghe sa templo at dun na tumanda. Ayoko nang makita sila juskooooo nakakahiyaaaa!!!!

"Oh my God... What have I done?" kinuha ko ang isang unan at tinakpan ang aking mukha.

"At least he got your number." narinig kong wika ni Sese.

Napalingon agad ako sa kanya at sa wakas nakaramdam ng onting pag-asa.

"Talaga? You're not bluffing, right?!" di makapaniwala sa sinabi nito.

Nagkibit balikat lang ito at hinila ang unan na hawak ko. Yinakap ang unan at muling nagsalita.

"Eh di hintayin mo nalang tawag niya para maniwala ka."

"OMG!!!! Ayiieeeee!!! Yessssss!!!" excited kong sigaw at nagtatalon sa kama niya. But then it was a wrong move. Napahinto rin agad ako sa pagtalon dahil pumitik na naman ang masakit kong ulo.

"Aaaarrrggggg... Di na talaga ako iinomm..." nakangiwi kong sambit as I bury my head on the bed.

"Yeah, right." sarkastikong sabi ni Sese.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon