42

679 9 2
                                    

••Hae Min's POV••

"Hae Min? Someone's looking for you.. but... I'm uhh... Not sure if you want to see him." Gaida reluctantly said as she peeped inside my room.

Nagtataka akong lumingon dito,

"Who is it?"

"Umm.. I think it's your ex?" she skeptically replied.

Si Sehun?

Paano naman niya nalaman ang address ko?

At bakit ba ang kulit kulit niya?!!

"It's ok, Giada. I'll go down in a minute." tugon ko dito.

Nag-ayos lang ako ng konti at bumaba na upang harapin si Sehun.

I opened the door and there he was, standing gloriously at our porch.

"Anong ginagawa mo dito? I don't recall inviting you over." pagtataray ko sa kanya.

"Hae Min, thank God you're ok. Nagulat ako bigla ka nalang nawala kaninang umaga. Ayos ka lang ba? Paano ka nakauwi?" nag-aalalang wika ni Sehun.

"May dalawang paa pa naman ako para makauwi. Teka nga lang, paano mo ba nalaman 'tong bahay namin? Tsaka alam mo naman pala bahay ko, bakit hindi mo ako inuwi ng diretso dito kagabi diba?"

"Honestly, hindi ko naman talaga alam kung saan ka nakatira. But when you left earlier, nahulog mo ata 'tong registration form mo sa sahig ng hotel room ko. Merong address mo, kaya nakarating ako dito." proud na ngumiti si Sehun habang inaabot nito yung school registration form sakin.

I immediately snatched the paper from him while raising an eyebrow.

"So? Anong purpose mo bakit andito ka ngayon?" tanong ko nang nakapamewang.

"Uhh.. To check if you're alright? Sobrang lasing ka kasi kagabi. Sigurado may hangover ka pa. Gusto mo magbrunch malapit dito? May nasearch ako na masar----"

"Let's cut the chase, Sehun. Kung akala mo ok na tayo dahil hinayaan kitang lasingin ako, nagkakamali ka." putol ko sa sasabihin nito.

Napaatras si Sehun at napangiti.

"Ops, ops... Lilinawin ko lang Min-Min ha, hangout lang dapat yun. I never expected for you to get yourself drunk. Ikaw nagpakalunod sa alak. Nandun lang ako para pakinggan ang rants mo. And well, your confession too." lalong lumaki ang mga ngiti nito sa labi.

I knew it!

Hindi talaga 'to makakatiis ungkatin yung mga kagagahang pinagsasabi ko kagabi.

"Wala akong maalala, sorry." deny ko sa kanya sabay tinaasan muli ito ng isang kilay.

He gave me a sly smile then said,

"If you say so, Min-Min." he winked.

"Kung nandito ka para bwisitin ang araw ko, ayan tagumpay ka na. Kaya pwede ba, bumalik ka na sa pinanggalingan mo? Marami pang akong dapat gawin, istorbo ka." iritadong wika ko at akmang papasok na sa loob ng bahay.

"Wait!" maagap na hinawakan nito ang braso ko, "I know you're upset with me. Pero sana naman hayaan mo na patunayan sayo kung gaano ako nagsisisi sa ginawa kong desisyon noon."

"Nagsisisi? Parang di naman. Ginagawa mo nga lang biro mga patutsyada mo eh." nakangisi kong tugon at inis na hinila ko pabalik ang aking braso mula sa pagkakahawak niya.

"Hae Min, kung ikaw ba ang nalagay sa sitwasyon gaya ko, anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Sehun.

Hindi ako nakasagot. Marahil nabigla rin ako sa tanong niyang yun. Pero hindi ako nagpahalata sa kanya, bagkus tinaliman ko pa lalo ang tingin sa kanya.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now