28

859 7 0
                                    

Hae Min's POV

(...7 months later)

"Malapit na pala birthday mo ah. Do you have any plans?" Sese asked me while we're watching a movie at my house.

Oo nga pala, birthday ko na next week. Ang bilis ng panahon.

"Mmm... Wala naman. Gaya nalang kaya ulit last year?" banggit ko dito habang ngumunguya ng popcorn.

"Sa Xordium ulit? But I want it to be special this year." nag-pout ito ng lips.

"Wow ah, di pa ba special yun? For the past three years, you've always made my birthday celebration different from usual." I said smiling at Sese.

"Iba pa rin syempre ngayon kasi girlfriend na kita. Ah basta, ako bahala sa birthday mo. It'll be a surprise. Hehehe." nakangiting wika nito sabay nagtaas baba ng kilay.

"Surprise pero sinabi. Ano kaya yun? Hahaha!" natatawang wika ko.

"Kunwari nalang hindi mo alam ah." kumindat ito sabay ngiti.

"Ay oo nga pala, si La---"

Sasabihin ko sana kay Sese na lately lagi kaming magkatxt at magkausap sa phone ni Lana kaso may bigla namang tumawag sa telepono ni Sese kaya naputol ang aking sasabihin.

Lana is such a sweetheart. Nung una, it was really awkward and suspicious rin ako sa pakay niya. Natural lang naman yun dahil ex siya ng boyfriend ko. But after she got my number, lagi na itong tumatawag sa akin talking about her fiancé and girl stuff. Mas lalo pa kami naging close nang mag-order ito ng perfume for the give aways on her wedding next month.

Hindi ko pa nga lang nasasabi kay Sese ang tungkol dito. I'm hesitating to tell him because he might get the wrong idea. But I was planning to say it today, though meron naman interruption nung sasabihin ko na.

"Sorry but I have to go, Min Min. May emergency meeting kami sa SM Ent. Meron lumabas na 'dating scandal' about Kai and Jennie. Sorry talaga." Sese said and apologized in the end.

"Dating scandal ni Kai? Omo! Eh bakit pati kayo kasama sa meeting na yan? Diba dapat si Kai lang? It's his issue anyway." I was shocked with the news but I was also puzzled why the members are being called for a meeting.

"Kagrupo kasi namin si Kai. Malamang yan may mga tanong samin ang management tungkol dito. Babalik ako agad after ng meeting I promise." sabi ni Sese habang mabilis na nagsuot ito ng sapatos at coat.

"Oh... Ok. Be back asap. Gusto ko rin malaman kung anong nangyayari." bilin ko sa kanya.

"Yep. Kaya wag mong ubusin yung popcorn ah. Hahaha! I gotta go, Min Min." paalam ni Sese sabay halik nito saking labi.

Nang makaalis na si Sese, agad akong nagbrowse sa internet about the said dating scandal of Kai and Jennie. As I read the articles, I can't help but feel a bit sad for them. Kung totoo man na sila nga, masaya ako dahil nakahanap na si Kai ng babae para sa kanya. But at the same time, nakakalungkot rin kasi hindi madali ang pinasok nilang relasyon, kung legit man. Lalo na't pareho silang nasa kpop industry. Andyan ang panghuhusga, pakikialam at sama ng loob ng mga kani-kanilang fans. Not unless Kai has the guts to marry Jennie just like Chanyeol with Yoona and not thinking about if their careers will flop after. Though it didn't happen, mas sumikat pa nga sila pareho. Pero ibang case rin kasi sila Kai at Jennie.

Teka nga, ano ba pinag-aalala ko, hindi pa nga confirmed kung totoo yun.

Kaya Sese, bumalik ka kaagad please. Gusto ko na makasagap ng balita...

I patiently waited for Sese to come back and it's already 5am but all I got was a text message from him. Sabi niya na huwag ko na raw siya hintayin dahil mukhang matatagalan sila sa meeting. Kaya nagpasya na kong matulog at inaantok narin naman na ako.

Sehun's POV

"Remember, low profile lang guys. Huwag mo sana mamasamain Kai kung bakit ganito ang management sayo. We are not trying to be unfair with you. Wala naman masama makipagdate o mag-girlfriend kayo. Si Chanyeol nga may asawa, we didn't take it up against him dahil pinaalam nila samin agad. Kahit yung iba sainyo meron din girlfriends, pero sinabihan naman kami ng maaga. Wag lang kayo basta gagawa ng ingay na hindi niyo pinapaalam sa management dahil kami ang unang humaharap sa media. You are still under contracts. Whatever you decided on, you have to inform us. Para maiwasan ang gulatan gaya ngayon. Understand?" mariin na paalala ni Ms. Choi saming mga myembro ng EXO.

Everyone nodded in response to her before she dismissed us and left the conference room.

Nang kami nalang naiwan sa room, nagkumpulan agad sila sa tabi ni Kai. They bombarded him with lots of questions and advices at the same time. Kita sa mga mata nito ang panlulumo. Alam ko ayaw na nitong gisahin siya kaya naman iniba ko ang usapan.

"Guys syangapala, tulungan niyo naman ako sa birthday celebration ni Min Min. Next week na yun pero wala akong maisip na surprise para sa kanya." wika ko sa mga ito, pang-aagaw ko sa atensyon nila kay Kai.

Kai silently smiled at me as a sign of thanks when all the members turned their heads to me.

Madami agad silang suggestions at ideas sakin for Min Min's birthday. Habang nagplaplano kami, pasimpleng sinenyasan ko si Kai na umuwi na. I know he's still confused and drained out after what happened and he needs some time for himself too.

Tinext ko si Min Min at sinabing huwag na akong antayin. Di ko sinabi na busy ako nagplaplano para sa birthday niya. Just that I slightly lied and said we are still in a meeting.

Bakit totoo parin naman ah, nasa meeting pa ko.

Meeting para sa surprise birthday celebration niya.

Magse-seven na ng umaga kami natapos sa pag-organize. At the end, I'm happy and excited with the results of our planning.

Sigurado matutuwa si Min Min nito!

I can't wait for her birthday!

Hae Min's POV

One week na lumipas mula nung huli kami magkita ni Sese. Sabi niya kailangan daw nila lahat mag-low profile muna pagdating sa mga dine-date nila at yun daw bilin ng management sa kanila. Ang weird lang kasi alam naman na ng lahat ang relasyon namin pero bakit kailangan mag-low profile?

Di ako sanay ng ganito.

Kung kelan magbi-birthday na ko bukas saka pa kami di nagkikita.

Haizt.

Nagulat ako nang tumunog ang telepono ko. I hurriedly checked my phone hoping it was Sese calling me. Nang tignan kung sino ito, nadisappoint ako dahil si Lana lang pala ito.

"Hello?" malamyang sagot ko sa tawag niya.

"Hi Hae Min! Oh bakit ganyan boses mo? Ok ka lang?"

"Yeah. Maybe." malungkot parin ang tono ko.

"Nag-away ba kayo ni Sehun? Anong ginawa niya sayo?! Ayos ka lang ba?!" nag-alalang tanong nito.

"No, no.. It's not that. Wala yun. Napatawag ka?"

"Ah oo nga pala, kasi dadating mamayang gabi ang fiancè ko from Australia. Gusto sana kita pakilala, since sayo kami kukuha ng give aways para sa wedding. Are you free tomorrow?" Lana enthusiastically asked.

"Wow! At last magkikita na ulit kayo ni Grant. Yes I'm free tomorrow. What time ba? And where?"

Lana gave me the details for tomorrow's meet up. I didn't mind at all na magset ng ibang plans bukas dahil mukhang wala naman balak tong si Sese magkita kami sa birthday ko.

Nakakasama lang ng loob kasi kung kelan kami na, saka pa to parang walang pakialam.

Nakakainis!

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon