14

1.1K 25 0
                                    

Sehun's POV

She's here.

When Kai told me na hindi daw sasama si Hae Min, parang nawalan na rin ako ng gana sumama. Yun nalang nga ang chance ko makita at baka sakali makausap si Hae Min tapos muntik pang di matuloy.

But now I started to have high hopes again when I saw her standing next to Kai. Buti nalang talaga she changed her mind.

Hindi ako lumapit kay Hae Min, kahit pa nagtama ang mga mata namin. I don't want her to feel pressured or awkward on our way to Hawaii. Marami pang pagkakataon para makausap ko ito.

We boarded the plane after an hour and my seat was on the rightside of Hae Min and Kai.

Marami rin ang sumama sa vacation trip. May nagsama ng magulang, friends, girlfriends, boyfriends, asawa at anak. Hindi lang kasi para sa EXO yung vacation kundi pati sa mga loyal staff na nag-aasikaso sa amin. May iilan na walang sinama, gaya ko at si D.O.

Nang makasettle na ang plane sa himpapawid, umingay na ng husto sa area namin. Masaya silang nagkwekwentuhan at asaran. Yung iba, pumwesto para matulog. Ang katabi kong si D.O naman busy sa pagbabasa nung flight safety guidelines. Ako, eto pasulyap-sulyap kay Hae Min na masayang nakikipag-kwentuhan kay Kai.

"Talaga bang dedmahan na kami?" di ko naiwasang masabi sa sarili.

"Sino?" nag-angat ng tingin si D.O. sakin.

"Huh? Ah wala. Ano pala activities natin sa Hawaii, hyung?" pag-iba ko ng usapan.

"Magkaaway ba kayo ni Hae Min?" naningkit ang mata nito sabay nguso sa direksyon nila Kai at Hae Min.

Pinanlakihan ko agad ito ng mata at sumagot,

"Luh! Hindi ah. Busy lang siya kay Kai. Wala naman kami problema. Tsaka... tsaka wala lang kami kanina pagkakataon mag-usap kasi marami siya kausap. Tas ang layo pa ng upuan ko sa kanya." natataranta kong sagot.

"Dami mo agad sinabi, tinanong ko lang naman." seryosong wika ni D.O sabay balik ulit sa binabasa niya.

I rolled my eyes and sighed.

Haay... Ano ba nangyayari sakin? Parang ang agitated ko masyado ngayon.

After a fews hours, tumayo si Kai at pumunta sa pwesto nila Suho para makipagkwentuhan. Naiwan si Hae Min mag-isa sa upuan at nakatanaw sa bintana.

I suddenly felt like talking to her. Di na ako makapaghintay makarating sa Hawaii. Kaya naman lumapit na ako sa kanya at sinubukan kausapin siya.

"Hi Hae Min." bati ko sa kanya pagkaupo sa tabi niya. Lumingon naman agad ito at bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

"Hello." tipid na tugon nito.

"Uh... akala ko hindi ka na tutuloy ngayon eh." nahihiya kong sabi.

"Ayoko sana kaso nahihiya ako kay Kai." wika nito.

"Hae Min, nga pala gusto ko sanang magsorry sa lahat lahat. I know you trusted me. And I ruined it. Pero hindi ko rin kasi alam na ganun pala tingin mo sakin. That I was umm... you know..." mahinang wika ko sa kanya at di na tinapos ang huling salita.

"Gay? Sehun naman, hindi ito ang tamang lugar para pagusapan ang ganyang bagay. And you don't have to feel sorry dahil ako ang nagkamali ng akala. Let's just move on with our lives, ok?" she coldy said to me.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon