Prologue

3K 28 0
                                    

Hae Min's POV

"Pwede ba Sese, huwag mo naman sirain yung gabi ko. Hindi ka na nakakatuwa ah!" inis kong sambit bago tumayo at akmang aalis sa VIP lounge ng club nito.

Nakakaasar talaga!

Daig pa may dalaw sa mood swing niya ngayong gabi. I came here to party, tapos eto daig pa tatay ko makakwestyon sakin.

"Then what will make you happy? Having sex with Kai? Hahaha!"

Napahinto ako sa paghakbang at bumagsak ang aking panga sa narinig.

Hayop talaga bunganga ng baklang 'to! Pasmado ba dila neto? Nakakaloka!

Tumayo si Sehun at dahang naglakad sa kina-tatayuan ko. Nangilid ang ngiti nito sabay nag-angat ng kamay at marahan niyang pinaglaruan ang mga hibla ng nakalugay kong buhok.

As much as I wanted to run out of this place, I couldn't move an inch at all.

Dahil sa tuwing ganito kami kalapit sa isa't-isa, para bang nawawala ako sa sarili. And I know it's completely wrong because he's gay!

I would've fallen for him if he was a straight man. It's not just how the way he touches me, but his sweet citrus scent keeps driving me insane!

Kung gagawin ni Sehun ang mga ginagawa niya sakin sa ibang babae, malamang iisipin talaga nila lalakeng-lalake ito.

But I'm not one of them, and I know this is just one of Sehun's seduction games.

Ngunit kahit madalas niya ako pagtripan nang ganito, hindi parin ako nasanay. My heart always skips a beat whenever he play this kind of game.

"S-stop d-doing t-that...." I stuttered when I felt the tips of his finger brushed through my cheek.

Tumingin ito ng malalim sa aking mga mata habang bumababa sa bandang leeg ko ang kamay niya.

"Doing what, Hae Min?" nakangisi na aniya.

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla itong yumuko papalapit sa aking tenga.

"Oh you mean this?" mapanuksong bulong nito sa aking tenga at hinawi nito ang buhok na nakaharang and he planted a light kiss beneath my ear.

Maygaaaaaawdddd!

"Okayyyyy...... awat na Sese at baka iba na isipin ko sayo niyan." mahina kong sambit.

He leaned back and rakes his hair up.

"So? Ano naman iisipin mo? Ikaw hah, you're having dirty thoughts about me siguro... Hahaha!" natatawang tugon nito.

Bumalik ito sa lamesa at kinuha ang baso niya na may lamang alak. Iniikot nang dulo ng daliri nito ang yelo sa baso habang nakatingin sakin at inaantay ang igaganti kong sagot.

"Eeew! Dirty thoughts ka diyan! Sanay na ko sa mga pang-aakit at pagtri-trip mo kaya hindi mo ako maloloko, Sese. Sana kung di ka gay, siguro pwede pa." nakangisi kong balik dito.

Sakto naman kakainom lang nito ng alak at nang marinig ang sinabi ko, nasamid ito at naubo.

"What the heck---?! S-sinong g-gay? Ako?!" nagkrus ang mga kilay nito at mahigpit na nakahawak sa baso.

Nagkibit-balikat naman ako, showing him that I know his secret.

"You don't have to deny it, Sese. Matagal ko ng alam na bading ka. Wala naman akong pakia----" naputol ang sasabihin ko nang bigla itong tumayo at lumapit sakin na nanlilisik ang mga mata.

"Porket ba hindi kita pinapatulan tingin mo na bakla ako?!" pasigaw na aniya.

Nakatingala ako sa kanya at nagtaka kung bakit ganun nalang ang reaksyon nito.

"Alam mo Sese, wala naman sakin ano ka pa man. You're a good friend. And I'm thankful sa friendship na meron tayo. I don't care kahit gay ka. Tanggap kita for who you are." kalmado kong wika sa kanya. Hinawakan ko ang nakakuyom na kamay nito nang maramdaman niyang sincere ang sinabi ko.

Ngunit bigla naman niya ako hinila paangat sa kinauupuan ko at nasubsob sa dibdib nito.

Nagugulat ako sa kinikilos ni Sese at unti-unting narin bumilis ang kabog ang puso ko.

He held my wrist as I slowly looked up to him. Gusto ko sanang magsalita ngunit walang lumabas sa naka-awang kong bibig.

"Me? Gay? Don't test me Hae Min. I could've f*cked you if I wanted to." nakangising sambit nito.

Without words, he suddenly bent down on my stunned face and pressed a hot kiss on my opened lips. . .

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon