18

1K 15 0
                                    

Sehun's POV

Nothing happened.

Literally, we didn't do 'It'.

I knew she'd freak out once normal na pag-iisip nito. She was very persistent though. And as much as I wanted to, nagwagi parin si self control. I may not be a saint but, I'm not a devil either.

Pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanya. Hahaha! Aasarin ko muna si Hae Min just like the old times.

Kaya naman ganun nalang ang sinabi ko sa kanya kanina sa room. She's probably going crazy right now. Hahaha!

"Ok ka lang, Sehun? Kanina ka pa diyan tumatawa mag-isa. Anong meron?" puna ni Suho habang kumakain kami ng breakfast sa veranda.

I shook my head and said,

"Yep, I'm good. May naalala lang akong nakakatawa hyung."

Nagtaas ng dalawang kilay si Suho, nagtataka kung ano ibig ko sabihin.

"Care to share your thoughts?" he curiously asked.

"Nope." tugon ko at napangisi nang makita si Hae Min na kapipila lang sa breakfast buffet, kasama si Kai, Yoona at Chanyeol.

Halatang ilang na ilang si Hae Min at mukhang wala sa sarili.

Nang makakuha na ito ng pagkain, napalingon si Hae Min sa kinauupuan namin ni Suho. Agad naman ito nag-iwas ng tingin at umupo sa pinakamalayong parte ng veranda. Nakasunod naman sa kanya ang mga kasama.

"Wait hyung, puntahan ko lang si Min-Min." paalam ko kay Suho na nagtataka sa kinikilos ko.

"Huh? Eh paano tong breakfa.... Oh okayyyy...." nakatunog rin si Suho at napangiti nalang.

Lumapit ako sa kanila na abala sa pagkwe-kwentuhan. Nang mag-angat ng tingin si Min-Min sakin, nanlaki agad ang mata nito at bumagsak ang kanyang panga.

"How's breakfast, Min-Min?" nakangisi kong tanong sa kanya. Di ito umimik, tulala parin.

"Uy kaw pala yan pre. Tara dito, upo ka. Nag-almusal ka na?" tanong ni Kai at pinaupo ako sa bakanteng silya, sa tabi ni Min-Min.

"Yup. Nauna na kami ni hyung magbreakfast." sagot ko sabay nangalumbaba ako sa gilid ni Min-Min na ngayo'y kumakain na muli ng almusal niya.

Hindi pa rin ito makatingin sakin. Nagpapakabusy siya sa pagkain na nasa plato nito.

"Grabe yung hang-over ko! Bwisit na alak yun." banggit ni Chanyeol, pagkuwa'y hinilot nito ang sentido at si Yoona naman nag-aalalang tinignan ang asawa.

"Bakit niyo pa kasi inubos ni Baekhyun yung natira eh. Hay nako, yeobo.." sabi ni Yoona sa asawa.

"Nagpapaka-bayani kasi sila, noona. Hahaha!" natatawang wika ni Kai.

"Nako sis buti nalang maaga ka hinatid ni Sehun, kundi baka mas malala pa yang hangover mo ngayon. Ang kulit mo na kagabi eh. Hahaha!" tumatawang sabi ni Yoona kay Hae Min na tipid namang ngumiti.

"Kulit? Nope, being 'makulit' is totally underrated. She was beyond that last night. Hahaha!" panunudyo ko kay Hae Min.

Binilisan nito lalo kumain at dinedma lang ang sinabi ko. Malamang gusto na ni Min-Min makaalis asap, halata na ang sobrang ilang nito sakin.

She deserves it. Pagkatapos ba naman niya subukan ang hangganan ng pagpipigil ko, aba ako naman babawi diba? Masakit kaya sa puson yung ginawa niya! Hahaha!

"Want to know a secret?" mahina kong wika sa kanya habang pinagmamasdan itong magkanda-samid sa sinabi ko.

Ang sarap talaga asarin ni Min-Min.

"Anong secret yan?" curious na tanong ni Kai.

Tumingin ng masama si Min-Min sa akin at nag-lip sign ng 'subukan mo lang magkwento'.

Di ko mapigilang matawa sa reaksyon nito. Did she really think I'll tell about last night? Hahaha!

"I've been wondering..." pang-aasar ko pa lalo kay Min-Min na ngayo'y tumayo na.

"San ka pupunta? Di mo ba uubusin yung breakfast mo?" matawa-tawa kong tanong sabay mabilis na hinawakan ang palapulsuhan nito para pigilang umalis.

Tik tok. Tik tok.

Any moment sasabog na 'to sigurado.

"Malayo sayo! Malayong-malayo! Kung pwede lang umuwi now na, uuwi na ko! And no! Ayoko na kumain! Busog na ko!!" inis na sigaw nito sakin.

Natulala ang iba sa lamesa at gulat na nakatingin kay Min-Min. Gayun din ang ibang tao sa veranda. Pero ako, nakangiti parin sa kanya.

Namiss ko yung pagiging 'feisty' niya. Hahaha!

" Luh, anong ginawa ko?" kunwari'y inosente kong tanong, still smiling at her.

Nagpupuyos na ito sa inis at hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.

"Wala ka bang magawa Sehun? Bakit ba ako pinagtri-tripan mo hah?!" gigil na aniya.

"Hmm.. Isn't it the other way around? Sino ba nagtrip satin kagabi?" nakangisi kong tugon dito.

Everyone's staring at us with a puzzled look. Nagpabalik balik ang mga mata nila saming dalawa.

"Hah!! Ano?! I'm soooo done with you!" huling sabi nito bago mag-walkout.

"Hae Min!" tawag ni Kai kay Hae Min at hinabol ito palabas.

I stayed in my seat, laughing my as* off.

"Ano ba nangyari? Bakit nagalit si Hae Min?" nag-aalalang tanong ni Yoona.

"Ikaw ah! If I know, may ginawa kayo kagabi noh?!!! Umamin ka na. Hahaha!" asar ni Chanyeol.

"Wala noh! Bangag yun kagabi. Binibiro ko lang si Min-Min. Hahaha!" I honestly said. Talaga naman wala nangyari eh. Oh... Maliban pala sa hot kissing scene namin, which I'm never gonna tell them.

Yari ka talaga sakin Min-Min.

Either you'll go back to being my friend or I'll tease you for the rest of your life.

Hahahah!

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon