25

1K 12 4
                                    

Hae Min's POV

Back to reality na ulit. Andito agad ako sa shop kahit one day palang kami nakakabalik sa Seoul. Marami kasing naiwan na pending orders at paperworks na kailangan ko harapin. Si Sese naman, may schedule rin for today kaya malamang bukas pa kami nito magkikita ulit.

"Anong update sa orders ni Ms. Gail?" tanong ko sa aking salesrep na si Eun Bi habang bina-browse ang mga papeles saking harapan.

"Ok na po ma'am. They'll deliver the perfumes at Ms. Gail's office tonight."

"Ok make sure of that because she needs it tomorrow for the showcase." I reminded and dismissed her.

I spent my day at the office signing papers and taking calls from our regular clients. Hindi ko na nga namalayan ang oras not until magpaalam si Eun Bi na uuwi.

"Woah! 8pm na pala. Sige mauna ka na Eun Bi, ako ng magsasara nitong shop." sabi ko dito nang makita ang oras.

Inayos ko muna ang ibang papeles na hindi natapos at sumunod naring umuwi. Just as I was about to leave my shop, someone suddenly hugged me from the back. And when I turned around, I saw my adorable boyfriend, his eyes closed and shivering from the cold wind.

"Bakit andito ka? Diba may sched ka today?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"T-tapos n-n-na... N-naisipan k-kong s-sunduin k-ka.. P-pwede t-tara n-na? A-ang l-lamig eh..." nangangatog na wika nito.

"Hahaha! Bakit naman kasi wala kang suot na jacket or coat manlang? Tara, tara. San ka ba nakapark?" natatawang tugon ko at inalis na nito ang pagkakayapos sa akin.

Nagtungo kami agad sa kanyang sasakyan at nang nasa loob na kami,

"Kumain ka na ba? Kain muna tayo bago kita hatid."

"Hindi pa nga eh. Ang dami ko kasi naiwang trabaho at kailangang habulin today. Sige, ikaw na bahala mamili kung saan." sagot ko.

We headed to a nearby restaurant that serves galbi and dined inside. Habang hinihintay ang order namin, nagsimula naman magkwento si Sese tungkol kay Suho at Haley. Nung nasa Hawaii daw pala kami, may napapansin sila Baekhyun at Chanyeol na kakaiba sa kinikilos nung dalawa. At ngayong araw daw, biglang nagresign si Haley as personal assistant ni Suho.

"Sabi nila Baek, baka daw nag-away yung dalawa. Balisa nga si Suho hyung kanina sa interview eh. Halos hindi nagsasalita at kapag siya yung tinatanong ng host, parang wala siya sa sarili na hindi makasagot. Weird.." kwento ni Sese at napapa-iling sa huli.

"Hindi kaya... May something yung dalawa?" dudang tanong ko.

"Yun nga rin ang sabi nila. Sa tagal ba naman na P.A ni hyung si Haley, bakit bigla nalang siya magreresign diba? Baka may gusto si Haley kay hyung?"

"Si Haley agad? Di kaya si Suho ang may gusto sa kanya? Come to think of it, wala naman nababanggit si Haley about kay Suho. Edi sana nagshare na siya sakin since we're friends na." sabi ko at binalikan ang mga conversations namin ni Haley pati ang mga kinilos nito sa Hawaii. Which, wala naman akong napansin o maalala na kakaiba.

"Syempre di niya sasabihin sayo yun. Ikaw ba nagkwento ka tungkol satin sa kanila? Hindi diba?" pagpoint out ni Sese.

Sasagot sana ako ngunit may biglang lumapit sa aming lamesa.

"Hi Sehun.. Kamusta ka na?" bati ng isang babaeng di ko kilala.

Otomatikong sinuyod ng aking mga mata ang babaeng nasa harapan namin ni Sese. Maamo ang mukha nito na mala-anghel. Bagay sa kanyang balingkinitan na pigura ang mahaba nitong buhok na medyo curly sa dulo. At ang mga mata niya ay animo'y ngumingiti rin kasabay ng kanyang maliit na labi.

Sino nga ba 'to? Bakit kilala niya si Sese ko? Sa tatlong taon namin na magkasama ni Sese, never ko pa 'to nakita.

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang reaksyon ni Sese pagkakita dito. Bakit kaya?

"L-Lana?" sambit ni Sese habang nakakunot ang noo niya.

Oh my gosh?!!!

Eto yung ex ni Sese?!!!

"Who else? Hahaha! Is she your girlfriend?" tanong nito kay Sese sabay lingon sakin na kasalukuyang nagmistula akong rebulto.

"Hi, I'm Lana by the way." she smiled at me perfectly and gestured a handshake.

I shook her hand and regained my composture.

"Hello, I'm Hae Min."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sese sa kanya, malamig ang tono nito.

"Uh, kakain malamang? Wala pa yung fiancé ko, dito rin kami magd-dinner. Mind if I join you guys for a while?" Lana asked me directly, not bothering to look at Sese.

"S-sure, go ahead." I uncomfortably responded and she quickly sat next to me.

"So... gaano na kayo katagal?" tanong nito na parang close kami.

"Let's cut this b*llsh*t. What do you want, Lana?" Sese asked her coldly and my jaw dropped.

"Hey take a chill pill, will yah? Nangangamusta lang ako. Relax, I'm not the same old Lana, Sehun. And for crying out loud, I already have a fiancé." she said, proudly smiling at Sese.

Nagpabalik-balik lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa at hindi nakisabat.

"Whatever." masungit na sambit ni Sese at nag-roll ng eyes niya.

"Well I guess I'm not welcome here." she mumbled and stood up.

"By the way, nice meeting you Hae Min." nakangiting wika nito sa akin.

"Umm.. yeah, same here." I awkwardly smiled at her.

Hindi na ito nagpaalam kay Sese. Pinagmasdan ko si Lana habang naghahanap ng bakanteng lamesa at dun ito naupo. Kita ko ang expression nito na malungkot at parang naiiyak.

Ano bang history meron si Sese at yung Lana na yun?

Bakit hindi siya naikwento manlang sakin ni Sese mula't mula?

Gaano ba kalalim ang relasyon nila noon?

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now