26

959 12 1
                                    

Hae Min's POV

"Salamat sa dinner at paghatid." nakangiting wika ko kay Sese nang makarating kami sa tapat ng aking bahay.

"Won't you invite me in?" nakangising tanong nito.

"I will if you'll answer all my questions." I smiled dearly.

He rolled his eyes and sighed.

"Tungkol ba kay Lana ang mga tanong mo? I'm not in the mood to talk about her though."

"Then go home. Maaga pa ako bukas." maratay na tugon ko.

Hinawakan nito ang aking kamay at nagsalita.

"Wag ka na magtampo Min-Min. Ayoko lang pag-usapan si Lana. She's my horrible past that I don't want to remember."

Horrible past?

Bakit naman?

Haizt... Mas lalo tuloy akong nacu-curious dito.

"Ok if you say so. Hindi na ako magtatampo pero you have to go home tonight. Maaga pa talaga ako bukas gawa nung event ng isa kong kliyente. Promise, tomorrow dun ako sa bahay mo matutulog." sabi ko kay Sese nang nakangiti.

"Sige, pero bukas ha... Sunduin nalang kita ulit, you want?" offer nito.

"Nope, I'll go straight to you house tomorrow after the event. Kasabay ko naman si Eun Bi bukas pauwi, magdadala siya ng sasakyan. I'll let her drop me off to your house tomorrow." paliwanag ko sa kanya.

Hindi na ito nagprotesta at pumayag rin sa huli. Maya-maya pa, nagpaalam narin ito at hinintay ko naman siyang makaalis bago pumasok sa loob ng bahay.

Halos hindi naman ako patulugin ng mga tanong saking isipan about kay Lana at Sese.

How long were they in a relationship?

Bakit kaya sila naghiwalay?

At bakit galit si Sese sa kanya?

Ganun rin kaya ang maging tingin sa akin ni Sese kung sakaling magkahiwalay kami? A horrible past?

________________________
Sehun's POV

"Sabi sainyo next time na ko mag-medical check up eh. Abala lang 'to hyung. Ok naman ako eh... Haizt..." angil ko kina Suho at Baekhyun.

Kasalukuyang nasa isang ospital kami sa Seoul sa kadahilanang pinilit ako ni Baekhyun magpa-health check up. Nag-aalala kasi sila dahil ako lang ata ang bihira magpatingin ng kalusugan ko. Well it's because I know I'm healthy and I don't feel anything wrong with me.

"Ay nako hindi. Wala naman kaming lakad eh. Antay lang tayo saglit, baka naglunch lang si doc." sagot ni Suho.

"Don't even think about escaping, dongsaeng. Wag mong balewalain ang mga ganitong bagay. Our health comes first among anything else." remind ni Baekhyun sakin.

I sighed deeply, accepting my defeat.

"Sige na, sige na. Pero kung 1pm wala pa si doc, let's just come back next time." sabi ko sa kanila.

As we wait for the doctor to arrive, my eyes caught a glimpse of someone familiar at the hallway. And as she headed towards our direction, my eyes became wider in disbelief.

Impossible.

Ang pagkakaalam ko, di na niya natapos ang kurso nito sa medisina ah.

Eh bakit nakasuot ito ng surgical gown?

"Si Lana ba yun?" tanong ni Baekhyun habang nakatanaw rin sa direksyon nito. Di ako nakasagot sa kanya dahil naguguluhan rin ako sa aking nakikita.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now