2

1.6K 16 0
                                    

Hae Min's POV

"arrrrggggg.....! Ayoko na talaga uminom...."

Haizt! Hangover na naman!

Di ko pa man mabuksan ang mga mata ko dahil sa sakit ng aking ulo, alam ko na agad nasa bahay ako ni Sehun.

It's because I can smell his sweet citrus scent on the shirt that I'm wearing and I know it's a good sign.

Ibig sabihin, safe ako nakauwi at may magluluto ng almusal ko for today.

I squinted my eyes and finally decided to get up. Saglit akong nagpalinga-linga sa paligid bago bumangon para kumuha ng nagyeyelong tubig sa ref. Remedy ko sa hangover.

But before that, nagpunta muna ako sa bathroom upang magsipilyo at tignan ang karumal dumal kong itsura.

Sabog ang buhok at kalat ang mascara sa ilalim ng mga mata ko.

"Woah... who are you?" I mumbled at my reflection as I grabbed my pink toothbrush and started to brush my teeth.

After brushing, I tried to wash off the makeup on my face, but there's still some left.

Who cares?

Si Sese lang naman nandito. Isa pa, masakit pa rin ulo ko at wala ako sa mood magpaganda.

Paglabas sa room ni Sese, naamoy ko agad ang niluluto nito mula sa kusina.

Dahan-dahan akong naglakad patungong kusina habang kinakamot ang sabog-sabog kong buhok.

Fyi, I'm only wearing one of his long loose tshirt and undies, comfortably walking around Sehun's house.

Actually, wala na sa akin ang makita niya akong ganito lang ang suot ko. Sa tatlong taon na magkaibigan kami, makailang beses na ako nito nabihisan tuwing lasing, maiilang pa ba ako?

At kahit mukhang nasabugan ng kwitis ang itsura ng mukha at buhok ko, I don't actually care. Like I said, he's gay.

"You're awake?" bungad ni Sese sa akin sa kusina.

Tumango lang ako sabay diretso sa dish cabinet at kumuha ng baso. Siya naman, nagpatuloy sa paghihiwa ng carrots.

"Coffee? Malapit na maluto itong soup." sabi nito, inangat niya ang lid ng kaldero at chineck ang linuluto.

"Uh-huh..." paantok-antok kong tugon dito habang naglalagay ako ng yelo at tubig sa baso.

Agad naman ito nagsalin sa mug ng brewed coffee.

I gulped down a glass of iced cold water and felt a bit of relief from my throbbing headache.

"Haizt.... ano na naman ba mga pinagsasabi ko kagabi? Tell me." garalgal ang boses kong nagtanong dito nang iabot niya sa akin ang mug na may lamang mainit na kape.

Sumandal ako sa ref at humigop ng kapeng binigay niya.

"Ano pa ba? Edi yung madalas mo ireklamo sa buhay." aniya.

"Haaayyy..." napabuntong hininga ako.

Natawa ito habang naghihiwa ng mga rekado para sa soup na niluluto.

"I probably looked desperate and pathetic again. Ayoko na uminom, promise talaga." malungkot kong wika.

"Makailang beses mo na yan sinabi. Tamo mamayang gabi andun ka na naman sa Xordium nagpapakalango sa alak. Daig mo pa may drum sa tiyan kung makainom. Nalulugi na negosyo ko sayo." pilosopong aniya habang linalagay sa kaldero ang mga huling rekado.

"Well, it's not actually free. Discounted yes." mataray kong balik sa kanya.

"Well, my services to you are free. Dapat binabayaran mo ako sa pag-aasikaso sayo tuwing zombie mode ka. Pati kwarto ko imbes ako lang mag-isa na komportable na natutulog, nakikihati ka pa." sagot nito sakin.

Di ako umimik. Alam ko naman biro lang yun.

I'm truly thankful for having him as a friend. He's someone I can trust even in my most vulnerable state.

Naghain na si Sehun sa dining table at ako naman parang bata na nakasunod dito. I grabbed a seat and immediately picked up a toast on the serving plate.

Siya rin umupo na. Nagsalin ito ng soup sa bowl ko at linapag sa aking harapan.

"Nga pala ano na sabi sayo ni Kai? Have you set us up?" excited na tanong ko dito.

Kumuha siya ng toast at para bang wala siyang narinig sa tanong ko. Kaya naman lumapit na ako sa kanya upang kulitin siya.

"Dali na friendddd... Ikaw nalang pag-asa koooo." pakiusap ko dito, nagpacute pa ako sa harap ng mukha nito na umiwas naman ng tingin sakin.

"Wala pa. Busy kami ngayon sa rehearsal at shows." malamig na tugon ni Sese habang naglalagay ng jam sa toast niya.

"Ano ba yaaaaannnn.... ay nako, bahala ka! Kasalanan mo pag di talaga ako magkaron ng lovelife itong taon. Hmp!" kunwari'y nagtatampo ako sa kanya.

He rolled his eyes at me.

"Bakit ba nagmamadali ka magka-lovelife? Ang sarap kaya maging single. Walang stress, walang pinagkakagastusan, walang hinihintay na tawag araw-araw and most especially, no drama." nakangiti nitong hayag.

"Nasasabi mo lang yan kasi naging broken ka dati." nawala sa isip kong di nga pala nito alam ang aking mga nalalaman about sa past boyfriend niya.

Agad rin nag-sink in na nadulas ako, kaya naman tinapik tapik ko ang aking madaldal na bibig.

"What?!" nagtaas ito ng boses.

Yari!

Ano ba naman kasi Hae Min, bakit inungkat mo pa!

"Huh? Walaaa... kako yung kapitbahay namin na broken hearted nung isang araw lang. Nakipagbreak yung jowa niya sa kanya." palusot ko dito.

Up until now hindi ko parin sinasabi kay Sehun ang nasaksihan kong break-up scene nila ng jowa niya three years ago. Also, hindi rin ako nag-oopen tungkol sa pagiging bakla nito. I don't want to offend him in any way.

Bumalik na muli ang atensyon nito sa pagkain. Ako naman, patay bata lang din at linihis ang usapan sa crush kong si Kai.

"Sige na Sese please..... just one date.... dali naaaa..." I batted my eyeslashes on him habang nakikiusap dito.

He took a deep breath and said,

"Ok fine! Just one date. Kung ayaw niya sayo, don't ask me again to help you for another date."

Napatayo ako at nagtatalon sa sinabi niya. Pagtapos ay masaya ko ito yinakap.

"Thank youuuuuuuu! Promise susulitin ko yung one date namin para hindi na ako magpapalakad sayo next time." tuwang-tuwa kong wika sa kanya habang yakap ito sa likuran.

Akmang bebeso sana ako sa pisngi niya nang bigla naman itong lumingon at muntikan ko siya mahalikan sa labi!

Nagkatinginan lang kaming dalawa for a second, filling the room with an awkward silence.

Bumaba ang tingin nito sa aking labi at magaan na naglapat ng halik.

It was just a smack, pero para akong nakuryente sa ginawa nito.

Napabitaw agad ako sa pagkakayapos dito at hinampas siya sa balikat.

"Don't do that! Eeeww ka!" inis kong sabi pagkahampas sa kanya.

"Eeew? Excuse me but you're the one whose breath is reeking of alcohol. Hahaha!" pang-aasar niya at nagtatatawa.

"Ewan ko sayo. Che! Diyan ka na nga. Oyy basta yung promise mo hah. Si Kai." paalala ko bago nagtungo muli sa kwarto nito.

Nang ako nalang mag-isa, hinipo ko ang aking labi at naalala ang ginawad na halik ni Sese.

"Bwisit na yun! Akala niya ata madadala ako sa mga paganun ganun niya. Hah! Sana kung di ko alam ang lihim niyang bakla siya, pwede pa eh." singhal ko sa sarili.

"Bwisit kainis! Nakakakilig yung kiss niya!" nanlaki ang aking mata sa huli kong nasambit.

Lakas tama mo lang Hae Min? Ngayon ka pa kinilig parang di mo kilala si Sehun ah, sa isip-isip ko.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon