Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
sa tagal na ikaw'y nakasama, akala ko'y habang buhay, ikaw na. akala ko'y tayo na hanggang huli, mahal ano nga bang nangyari?
ang bawat masasakit na salita'y nagiwan ng kirot, ang dating saya ay napalitan ng lungkot, ang bawat pagaaway ay nagbunga ng luha, ang dating tayo ay naging kayo.
pitong taon na iyong sinayang, isang taon simula ng ikaw'y lumisan. ano ba ang aking pagkakamali, bakit siya ang iyong pinili?
ngayo'y hindi alam kung pipihit bang kanan, magbakasakaling ika'y muling matagpuan o pipihit ba sa kaliwa, kung saan mga masasakit na alaala'y nanatiling sariwa.
ngunit darating din ang araw, kung saan matutunan ko ring bumitaw. makakamit ang paglaya, at malilimutan din kita.