➳ iniwang pangako

419 12 3
                                    


Date Written: September 29, 2016; 23:46

°°°°°°

mahal,
mahal kita.
kahit iniibig mo pa siya.
hindi ako manunumbat,
dahil ako'y walang binatbat
kasi sa puso mo'y wala pa rin siyang katapat.

mahal,
mahal kita.
kahit iniibig mo pa siya.
kahit na hanggang ngayon ako'y nganga,
at oo nagmumukha ng tanga,
kasi ikaw pa rin ang pipiliin sa huling hininga.

mahal,
mahal kita.
kahit iniibig mo siya.
pagsuko man ay nariyan sa isip ko,
ngunit gagawin pa rin ang iniwang pangako,
kasi alam kong sa simula palang ng laban na ito talo na ako.

tainted linesWhere stories live. Discover now