➳ sinta papalayain na kita

733 18 3
                                    

They say if you truly love someone, you'll go after their happiness. But what if their happiness is not being with you anymore? But with someone else? Are you willing to let go the love of your life?

To the one who keeps on holding on, now's the time to let go..

Date Written: Dec. 28, 2015; 3:30 am.


dedicated again to miss barbs bc of #BTT. Best wishes my fave author~


++++++

"Kasi hangad ko ang kaligayahan mo, kung ang ibig sabihin nito'y wala ka na sa piling ko."


Sinta papalayain na kita.
Hindi dahil pagod na ako kakaintindi sa iyo.
Hindi dahil sawa na ako sa mga pagaaway natin.
Hindi dahil sa nasasaktan na ako.

Sinta papalayain na kita.
Kahit isipin ko palang ay nababaliw na ko.
Kahit sinisigaw ng kaluluwa kong huwag.
Kahit kapalit nito'y pagkamatay ng puso ko.

Sinta papalayain na kita.
Dahil sa tuwing titignan ko ang iyong mga mata, binubulong nitong tama na.
Dahil sa tuwing ngumingiti ka, tinutusok ang puso ko ng salitang bitaw na.
Dahil sa tuwing sasabihin mong mahal din kita, ang naririnig ko ay ayoko na.

Sinta papalayain na kita.
Kasi ayoko ng nakikita kang palihim na umiiyak sa gabi.
Kasi ayoko ng patuloy kang nasasaktan sa pagkapit sa lubid ng pagibig ko.
Kasi hangad ko ang kaligayahan mo, kung ang ibig sabihin nito'y wala ka na sa piling ko.

Sinta papalayain na kita.
'Pagkat sapat na ang ipinahiram mong oras para sa mga magagandang alaala.
'Pagkat sapat ng mahal kita ng puso't kaluluwa upang gawin ito.
'Pagkat sapat na minsan'y itinuring mo akong mundo mo.


tainted linesWhere stories live. Discover now