➳ alaala

308 9 0
                                    

180424, 23:34

someone asked me to write a poem for her. her boyfriend asked for some "space" for a month.

hi! this is for you. be strong girl. if sa huli kayo talaga, fate will make its way. hope you'll like this. x

-----------

180424, 23:34

-----------

hinanap kita.
sinta, hinanap kita.
sa pagitan ng mga pahina,
sa bawat pagkinang ng mga tala,
sa pagsapit ng bagong umaga,
sa bawat pagpatak ng mga luha,
sa ritmo ng paborito nating kanta,
hinanap kita.
kahit hanggang ngayon
hinahanap pa rin kita.
saan ba ako nagkulang sinta?
kasi kaya kitang mahalin hanggang sa aking huling hininga.
saan ba tayo nagkamali sinta?
kasi ako'y gulong gulo na
kung bakit ako lang yung nagdurusa.
paanong bigla kang nawala?
paanong naglaho ang mga pangako mo ng parang bula?
sana pala hindi nalang tayo nagkakilala,
dahil sa dulo, hindi rin naman pala tayo dalawa.
sana matagpuan ko na kung paano limutin ka,
upang matutunan ang mga salitang tama na,
wala na,
bitaw na,
dahil pagod na akong hanggang
alaala nalang kita.
ayoko na.

tainted linesWhere stories live. Discover now