➳ puso't kaluluwa

594 14 0
                                    

"Naniwala akong kami ang para sa isa't isa. Baduy pakinggan no'? Wala eh. Nagmamahal lang ng lubos.

I know the past still haunts her and that's why she's still afraid to fall and commit herself. But I'm willing to wait gaano man katagal iyon. Sabi nga nila, kung alam mong siya na talaga huwag mo nang pakawalan.

I already did everything but I'll still continue to win your heart. Whatever it takes Y**** whatever it takes."

Another OPEN POEM for the requester again. Idk if this is considered as a poem but yea.

To K, thank you for letting me to this. It's an honor really hahah. Anyways, pakatatag ka lang. It's so rare nowadays to know na may ganyang guy pa rin pala like you in this modern world. Just keep fighting for your love!


To the girl I've been loving for years, I wont ever get tired. Never..


Date Written : January 7, 2016

++++

"Pagkat totoong mahal kita,buong puso't kaluluwa. Puso tagos hanggang kaluluwa."


Ibinigay ko ang lahat,
ngunit di parin pala sapat,
upang sa puso mo'y maging karapat dapat.

Ano pa bang dapat kong gawin,
mahal wag mo naman akong balewalain,
'pagkat himig ng puso'y ikaw at ikaw pa man din.

Binigay ko sayo ang buong mundo,
'pagkat nalunod sa mahika mo ng todo,
ngunit hanggang ngayon ako pa rin pala'y talo.

Mahal darating din na mapapagod na ako,
at isa lang ang aking mapapangako.
Huwag ka magalala hindi ako susuko.

Luhaan man ako ngayon,
pero alam kong sa pagdating ng tamang panahon,
magkakaroon din tayo ng pagkakataon.

'Pagkat totoong mahal kita.
Buong puso't kaluluwa.
Puso tagos hanggang kaluluwa.


tainted linesWhere stories live. Discover now