180416 01:11
sinta,
oo, ramdam ko.
alam ko.
alam ko kung gaano mo hinihiling na sana yung bawat oras na nabibigay mo sa akin,
ay siyang binibigay mo sa kanya ngayon.
oo, ramdam ko.
alam ko.
alam ko kasi kilala kita.
alam kong siya lang para sa iyo,
pero ako yung pinili mo,
kasi hindi pwede yung kayo.
oo ramdam ko.
alam ko.
alam ko na siya lang sa simula palang,
at siya pa rin hanggang sa dulo ng walang hanggan.
pero nasaan ba ko sa iyo?
YOU ARE READING
tainted lines
Poetrydive into the ocean of words and let the tides of nothingness take you to the deepest voids of poetry. are you ready to feel everything inbetween? ©JZA 2015 [this poem collection is composed of poems and prose in Filipino & English. all illust...