180819 10:37
aking pinipilit na huwag na lamang huminga,
pag tuwing nariyan ka,
dahil ako sayo'y wala namang halaga.
laging nagpapanggap na wala lang,
kahit sobra ng nahihirapan,
dahil wala naman akong karapatan.
mulat naman ako sa katotohanan,
alam kong hindi mo ako kayang ipaglaban,
malungkot ka lang at ako yung dating nariyan.
ngunit sa likod ng bawat letra ng mga katagang ito,
ay ang puso kong nagsusumamo para sa iyo.
meron o wala?
oo o hindi?
tama na, hindi ko rin alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/48519012-288-k54204.jpg)
YOU ARE READING
tainted lines
Poetrydive into the ocean of words and let the tides of nothingness take you to the deepest voids of poetry. are you ready to feel everything inbetween? ©JZA 2015 [this poem collection is composed of poems and prose in Filipino & English. all illust...