RHYS ARCHER: I AM KING DENNISON FRAZER

656 22 23
                                    

Morthon University

"Dadating sila Rhys ngayon," masayang sambit pa ni Nalu habang kumakanta kanta sa harap ng salamin.

Lingid sa kaalaman niya masama na siyang tinitignan ng mga kasama sa loob ng campsite.

"G*go, pang labing anim na beses mo na sinabi yan," sa wakas ay may nag-reklamo, walang iba kundi si Shadow at may kasama pang pagbato ng sandok kay Nalu.

"Aray!" Napakamot nalang sa ulo ang isa. "..hindi kaya, pang labing lima lang," nagawa niya pang makipag kumpetensya sa larangan ng bilangan.

"Anong oras sila dadating?" tanong nalang ni Viahm para matigil ang dalawa sa pagtatalo.

"Ewan ko, basta mamaya," muling bumalik ang tuwa sa ngiti ni Nalu.

Hindi siya natutuwa dahil uuwi at namimiss ang kapatid, natutuwa siya dahil paniguradong may handaan na namang magaganap sa bahay nila. Maraming pagkain, maraming dessert, maraming lasagna, cupcake at pizza.

"Uhm, I already received Lirie's message, nasa bahay na raw sila Rhys," si Bullet ang nagsalita.

Tinignan siya ng nakakaloko ni Nalu. "Bakit sa akin hindi nagtext?" may pagtatampo pa sa tono nito.

"May permanenteng cellphone ka ba? Wala naman 'di ba? Nanghihiram ka lang, remember?" may diin si Bullet sa salitang nanghihiram na nakapagpasimangot kay Nalu.

"Atleast may permanenteng simcard, tsk," nagawa pang makakuha ng palusot ng nauna.

"Let's go, baka mainip sila Paige kakahintay," sa isang banda hindi ipinahalata ni Rage na mas excited pa siya kay Nalu, excited dahil makikita ang kapatid at hindi dahil maraming pagkain.

Tulad ng napag-usapan, nilisan nila ang campsite. Biyernes na kaya't walang magiging problema, walang pasok kinabukasan, makakapagsaya sila buong magdamag at paniguradong maingay ang buong gabi sa loob ng bahay ng mga Elie.

---

"Hi guys," kaway ni Paige nang magpasukan ang mga kaibigan sa bahay nila Lirie.

Unti-unti, isa isang napangiti ang mga ito, kanya kanyang yakap at talunan na parang batang nakakita ng mascot sa daan. Samantalang si Nalu, agad na binuklat ang mga kahong may naka indikasyon na "Chocolates for Captain" at mas nauna itong yakapin kaysa sa bagong dating na kapatid.

"Hinding hindi ako nagkamali ng pagbibilin sayo, I love you Rhys," napahalik pa ito sa pisngi dahil sa tuwa.

"Disgusting," pasimpleng napapunas ang bunsong kapatid gamit ang braso.

"Kakain na ba tayo? Kakain na ba? Kakain na?" naunang magpunta sa lamesa sa Nalu, umupo sa puwesto kung saan mas abot ang pinaka masasarap na putahe.

"Aish, hindi talaga makapag hintay," umirap si Lirie sa hilaw na pinsan at pasimpleng piningot ito sa tenga.

"Aray ko, inaano ka ba?"

Napatawa ang karamihan at walang nagawa ang iba kundi umupo narin ng kanya kanya, talagang magaling si Nalu, napasunod niya ang iba ng hindi man lang nagyayaya.

"Nauna ka pa talaga diyan 'no? Hindi mo man lang pinalipas ang ilang minuto bago kumain? My god Nalu."

"Eh sa nagugutom na ako eh, bahala kayo diyan," aktong kukuha na siya ng pagkain pero hinampas ni Lirie ang kamay niya.

"Ano na naman?" nakasimangot na tanong ni Nalu na para bang ikamamatay na anumang minuto ang hindi pagkain.

"Let's pray okay?" umupo si Lirie sa tabihan ni Nalu.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now