DAGGER MATHESON: CHASING ANOTHER APPLE

307 11 0
                                    

                        Morthon University

Natapos na ang panglilibre ni Shadow na tingin niya ay pagsisihan niya ng isang linggo. Naubos ang laman ng pitaka niya para sa pang dalawang linggong budget (na sana ay inilaan nalang sa pakikipagdate kay Cham), kay Hunter palang ay malala na ang inorder samahan pa ni Nalu na isang katerba ang pinalibre na para bang tatay niya si Shadow kung makapag demand.

"Shadow salama---"

"Fvck you! 'Wag kang lumapit sa akin," hanggang tanghali ay inis na inis si Shadow kay Nalu.

"Nanglibre ka tapos nagagalit ka? Magpapasalamat lang ako eh, buti nga nagpapasalamat pa eh," si Nalu pa ang may ganang magreklamo.

"Inamo!" Ang tanging naisagot ni Shadow, inayos ng bahagya ang necktie at polo sa harap ng salamin at tuluyang lumabas ng pinto.

"Pikon," patawa tawa pang sabi ni Nalu habang nag aayos ng suot na sapatos.

"Dagger, mamaya ka na lumabas may bibigay ako sayo," sambit ni Hunter na nakakapagpatigil kay Dagger.

"Ano na naman yun?" simangot na tanong ng isa, siya na ang bibigyan siya pa ang galit.

"Basta!"

"Pagkain ba 'yun? 'Enge ako," Nalu na mukhang pagkain.

"HINDI!" sigaw ni Hunter sa mukha ni Nalu na ngayon ay nakalahad na kahit hindi pa alam ang ibibigay ni Hunter.

"Damot!" sabi ni Nalu na parang batang inagawan ng laruan. "..basta mamaya manood kayo ah, hintayin ko kayo, may mawawala sa inyo kapag hindi kayo nanood," siya na ang nakikiusap siya pa ang nagbanta na nanakawan (o hiraman daw) ang mga kasama kapag hindi sumunod sa kanya.

Tuluyan nang lumabas ang mapanglamang. Tanging natira ay si Gun, Hunter at Dagger dahil kanina pa nakapasok ang iba.

"Kayo nalang mag lock nitong pinto ah, basta yung susi 'wag niyo kalimutan kunin," bilin pa ni Gun bago umalis at tumango lang ang dalawa.

Kakatapos lang nila mananghalian kaya't madaming bilin si Gun. Madaming maiiwan na hindi naayos dahil nagmamadali ang iba.

"Ano ba yung ibibigay mo?" tanong ni Dagger kay Hunter. "..bilisan mo male-late na ako, mag aala una na," dagdag pa nito.

Mabilis na kinuha ni Hunter ang itim na kwaderno sa ilalim ng unan niya at ibinigay kay Dagger. Mabilis na tinignan iyon ni Dagger at nagbigay ng "Ano 'to gago?" na tingin kay Hunter.

"Page 2, pandak, Dagger," salita ni Hunter sa hindi maintindihan na pagkakasunod sunod.

"Ha? Tanginang 'to," hindi alam ni Dagger kung anong pinagsasabi ng kasama. Napamura sa inis dahil mukhang gusto pang ipa-decode ni Hunter ang salitang sinabi niya sa pagitan ng paghahabol ng pagkahuli nito sa klase.

"Page 2 basahin mo tanga, yung sulat ni Nalu at kung paano ka niya laitin, tayong lahat," buong sabi ni Hunter na nakapagpalinaw kay Dagger pero muling nabalutan ng pagtataka.

"Ano ba kase 'to?" tanong niya muli.

"Diary ni Gun."

"Ikaw ang nagnakaw?" nagbigay agad ng konklusyon si Dagger.

"Hindi 'no, nakuha ko lang kay Kite yan, at mukhang madami nang nadaanan yan, pagkatapos mong basahin lahat bahala ka na kung isasauli mo kay Gun yan o hindi basta basahin mo," yun lang at iniwan na ni Hunter si Dagger.

Nainis si Dagger hindi dahil naiwan siya kundi dahil siya ang magsasara ng bintana, magpapatay ng ilaw na ginamit ng mga lapastangan niyang kasamahan, magpapatay ng kalan, at magkakandado ng pintuan ng campsite.

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now