LIRIE ELIE : ACE DENNISON FRAZER

452 17 7
                                    

                Dedicated to: Kaileia

                Morthon University

"Keira," muntik nang mapa-igtad si Keira nang biglang sumulpot si Lirie sa tagiliran niya.

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi, kadarating ko lang," saka inilipag ang tray ng almusal. "..kumain ka na ba?"

"O-Oo, kasabay ko si Aidan."

"Ano ba yang binabasa mo? Mukhang seryosong seryoso ka naman yata diyan."

"Ah wala," unti-unting inilayo ni Keira ang diary, delikado sa mapanuring mata ni Lirie.

Kapag nalaman nito ang kalokohan na pinagsusulat ni Nalu ay paniguradong magkaka-gulo, idagdag pa ang malalaman na naging crush siya ni Yandel, paniguradong may asarang magaganap.

"Bakit wala pa sila Cham?" tanong ni Keira sa katapat.

"Susunod na sila, hindi ko nadaanan eh, pero sigurado naman na sabay sabay na pupunta yung mga yun."

Ilang kwentuhan ang naganap, walang tahimik na segundo kahit na silang dalawa lang ang magkasama. Maya maya pa'y napatingin si Keira sa relo, may biglang naalala.

"Ay, klase ko na pala, ano ba yan."

"Uhm, pumasok ka na baka ma-late ka pa," sagot ni Lirie matapos uminom ng tubig.

"Okay lang ba maiwan kita dito?"

Tumango ang katapat. "Oo naman 'no, hihintayin ko nalang sila Cham, kung hindi sila dumating pupunta nalang din ako sa klase ko."

"Okay, sige paano, mauna na ako ah tawagan mo nalang kaya sila."

"Oo, ako nang bahala, sige na baka mahuli ka pa."

Nagmamadaling umalis si Keira, hindi namalayan ang pagkakabagsak ng itim a diary.

"Uy, teka Kei--" pero mabilis na nakalabas si Keira, kulang nalang ay lumipad at parang ilang segundo nalang ay mahuhuli na sa klase.

Napilitang tumayo si Lirie para kunin ang itim na diary. Inilapag niya sa isang tabi at inubos ang almusal. Matagal hinintay sila Cham pero matagal din dumating ang mga iyon, lumipas ang oras kaya naman naisipan na niyang pumasok nalang ng klase. Saktong paglabas ay nakasalubong ang grupo nila Bullet, aktong papasok palang ng cafeteria.

"Lirie, tapos ka na kumain?" tanong ni Bullet.

"Oo, ang tagal niyo eh, mauna na ako, may klase na ako."

"Okay, ingat ka."

Tumango si Lirie, pero ikinagulat niya ang biglaang paghablot sa kanya ni Yandel ng hawak niyang diary na naiwan ni Keira.

"Bakit nasayo 'to?" umagang umaga ay magkasalubong ang kilay nito.

Hindi siya nagpatalo at inagaw muli ito. "Bakit ba kinukuha mo 'to? Ibabalik ko kay Keira 'to, naiwan niya sa cafeteria, alis na nga ako."

"Hoy teka.."

Hindi na nakahabol pa si Yandel dahil hinila na ito ni Darce at Bullet.

Lumipas ang maghapon, hindi na nagkita o nagkasalubong man lang sila Lirie at Keira, dahilan para makalimutan ang diary at nagawa niyang maiuwi ito sa dorm.

Nakabihis na siya ng pang-tulog, matutulog na lang siya nang bigla niyang maalala ang diary. Kinuha niya iyon para isadya sana at isauli kay Keira. Hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya iyon at nalaglag. Nabuklat at sumakto pa kung saan nagsulat si Nalu.

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now