HUNTER COLLEY: MORTHON?

482 19 5
                                    

                       Morthon University

"Nakita mo na ba yung hinahanap mo?" bungad na tanong ni Shadow kay Gun pagka gising nila ng umaga. Tanging iling ang nagawa ni Gun.

"Hindi pa din, hindi ko na alam kung saan ko hahanapin yun," papikit pikit pang sagot ni Gun.

Alas kwatro y medya palang pero nakakagulat na gising na ang ilan sa kanila. Hindi madalas mangyari o masusukat na minsan lang sa tatlong buwan nangyayari ang ganito. Walang masasabing okasyon sa araw na ito, ang nag iisang dahilan ng pagkagising nila ng maaga ay walang iba kundi si Nalu.

"Ugh, buwisit na Nalu talaga 'to, puwede bang pumatay ngayong umaga?" reklamo ni Yandel habang nag aayos ng sapatos.

Napagkasuduan nilang idaan sa jogging ang inis kesa mabaling sa may kasalanan ang lahat, malaslasan pa nila ng leeg si Nalu nang wala sa oras.

"Kung puwede lang ay nagawa ko na, kanina pa," sagot naman ni Viahm na kasalukuyan ding nag-aayos ng sarili.

Pagod sila sa pagpasok at sa pag-aayos ng cafeteria buong maghapon ngunit walang pakundangan na ginising sila ni Nalu ngayong umaga para lang sa isang walang kuwentang dahilan.

"Bakit ba nagagalit kayo sa akin? Nagrerequest lang naman ako na panoorin niyo ako mamaya sa laban namin ni Macoy, ang aarte niyo," nagawa pang magreklamo ng salarin.

"Puwede naman kaseng pag-gising nalang namin 'di ba? Bakit kailangan manggising ka pa, ang baho kaya ng hininga mo," reklamo ni Darce dahil sa ginawang paghinga sa kanya ni Nalu habang natutulog.

"Bakit ba? Eh sa hindi ako makatulog eh, kung hindi ako makatulog dapat kayo din," nangdamay pa ang walang hiyang si Nalu.

"Ang kapal mo talaga 'no? At akala mo nakalimutan ko? Pinaamoy mo pa ako ng paa mo, kadiri ka," nakasimangot na reklamo ni Dagger.

"Ang baho din ng utot niya," si Hunter na inupuan nnan sa mukha ni Nalu at saka nagpakawala ng kasumpa sumpang amoy.

"May mabango bang utot? Tsk," sagot pa ni Nalu.

Sa makatuwid, ginulo sila ni Nalu. Pinilit na manood mamaya ng laban nila ni Macoy para sa panliligaw kay Lirie. At sa hindi malamang dahilan ay nagawa niyang mapapayag ang lahat, para lang maiwasan ng mga ito ang mabahong hininga, paa at utot niya sa umaga.

Naunang lumabas si Yandel na kanina pang gustong paslangin si Nalu, kasunod ay si Bullet at Viahm saka sumunod ang iba. Samantala, dahil sa antok, naiwan si Hunter habang nag-aayos at dahil pupungas pungas pa ay hindi na natignan pa kung kaninong cabinet ang nabuksan. Nahulasan nalang siya nang may nahulog na bagay at tumama sa ulo niya. Napapikit pa siya sa sakit, nang mahimasmasan ay sinilip ang bagay na gumawa ng bukol sa ulo niya. Nakita niya ang itim na kwaderno sa paanan.

Gun Keast 199* ang unan niyang nabasa sa pabalat. Kinuha niya iyon at muling tinignan kung kaninong cabinet ang nabuksan, nang mapagtanto na kay Kite ay napailing nalang sa sariling katangahan.

Ngunit nagtataka siya kung bakit napunta ang bagay na pagmamay-ari ni Gun kay Kite. Walang pag-aatubili na binuksan niya ang iilang pahina at doon nakita at nabasa ang ginawang lathala ng ibang kasama.

"Ito yung diary ni Gun?" patanong pero siguradong konklusyon na tugon ni Hunter sa saril. "..na kay Kite pala ito?"

"At mukhang marami akong mababasa sa diary na ito," nawala ang pagka-antok niya sa natuklasan.

"Hoy Hunter, ano? Hindi ka ba sasama? Kakain daw tayo sa labas," bumulaga muli sa pinto si Dagger.

"Kakain? Akala ko magja-jogging?"

"Tinamad sila Viahm, tara na libre daw ni Shadow," ngiti pang sagot ng nauna at nagmadali muling lumabas.

Mabilis niyang tinago ang diary at nagtatakbo palabas. Para kay Hunter ay wala ng mas magiging ka excite excite kundi ang pagkain. Ngayon palang ay nag-isip na agad siya ng oorderin.

"Tapsilog at kape," ang naisip niya saka binilisan ang pagtakbo.

                    LILI ELIE FRAZER

They always claimed that Tito Hunter is my second Daddy and I really don't know why, hindi ko alam kung may dapat ba akong malaman sa nakaraan, ngunit sinasabi ni Mommy na malalaman ko din daw iyon sa tamang panahon. Kung ngayon ang panahon na yun ay talagang ikakatuwa ko dahil masasagot na ang tanong na matagal na nakabaon sa utak ko.

---

HUNTER COLLEY
SECRET DIARY: MORTHON UNIVERSITY
November 15, 201*

Cafeteria
10:30 am

"Kahit nagugutom ako, mas pinili kong magsulat at mapagod sa diary na 'to. Ugh.

Too much information, sa ilang pahina ng libro sobrang dami kong nalaman at natuklasan. Hayop na Nalu Elie na 'to makapanglait ay akala mo nabili ang buong earth. Napalaki daw ang mata ko? Nahiya naman ako sa kanya. Masyadong self proclaim na gwapo siya, hindi ko din alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para masabi ang mga grabeng panglalait na sinulat niya dito.

Simula nang pumasok ako sa paaralan na ito, nagkanda peste peste ang buhay ko. Ang mga bagay na hindi ko nagagawa dati ay nagagawa ko. Ang bagay na pinaka ayaw ko ay nararanasan ko, lalo na ang magutuman kapag nandyan si Nalu ay hindi malabong mangyari iyon.

Ayoko sa kanila.

Iyon ang totoo.

Naniniwala ako na hindi totoo ang ipinapakita nilang pagkakaibigan. Alam kong mababaw ang pinagkukunan nila ng aspeto para maging matatag at kapani paniwala ang samahan na pinapakita nila pero hindi nagtagal, nagbago ang pananaw ko sa kanila.

Sa paglipas ng mga araw at buwan doon ko sila nakilala ng lubusan. Doon ko nalaman na puwede palang tumawa si Viahm, ngumingiti din pala si Yandel, nagiging mabait din pala si Rage, nagagalit paminsan minsan si Bullet, naasar din si Gun at nagiging corny din si Darce minsan.

Bumaliktad ang lahat at kinain ko ang mga salita ko na kahit kailan hindi ko sila magiging kaibigan. Natatawa nalang ako, dahil sa tagal ng pagsasama ng ilan sa kanila may mga sikreto padin pala silang tinatago na hindi ko inaasahan na dito ko pa mababasa.

Mga sikreto na talagang kagulat gulat at hindi mo mapaniniwalaan sa umpisa. Sobrang dami ng nangyari sa amin, hindi ko na mabilang kung ilan at saan ang mga masasayang araw na pinagdaanan namin ng magkakasama. Na sa lahat ng iyon, may lungkot at saya, may hindi inaasahang trahedya at mga hindi maipaliwanag na ligaya.

Wala naman akong dapat pang isulat sa diary na ito dahil wala naman akong maiaambag na salita kundi sabihin na gutom ako. Pero tulad ng iba, may sikreto din akong sasabihin.

Na ... crush ko si Lirie at kahit nakakadiri pakinggan, iniidolo ko si Nalu.

Kbye.

Hunter Colley
Forever Morthon Student
Cafeteria 10:45pm

"Aish!" nalungkot ako sa nabasa, wala pala akong malalamang kakaiba tungkol kay Tito Hunter. Akala ko pa naman ay masasagot na ang mga tanong ko na dati pang dinadala.

Pero kahit ganoon ay masaya padin ako sa nalaman niyang sikreto. Crush niya si Mommy at idol niya si Daddy. Ang tungkol kay Mommy ay katanggap tanggap pa, ngunit ang tungkol kay Daddy ay nakakapagtaka.

Mayroon padin palang iidolo kay Daddy kahit na ganoon siya?

Napailing nalang ako at saka napatawa. Sarili kong tatay ay pinagiisipan ko pa ng di maganda. Patuloy ko nalang binuklat ang kasunod na pahina at palihim muling napangiti sa nabasa.

DAGGER MATHESON: CHASING ANOTHER APPLE
November 17, 201*

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now