BULLET ACKER : MORTHON'S BADASS SECRET

474 19 2
                                    

                   Morthon University

Umaga palang ay naging dakilang imbestigador na si Lirie, hinahanap sa apat na sulok ng Morthon ang magaling at mapanglait na hilaw na pinsan. Sa kasawiang palad ni anino ni Nalu ay hindi niya makita. Kung nakita man niya ay nakaplano na agad ang gagawin.

Una ay ihahampas ang itim na diary sa mukha ni Nalu na nagmistula ng black book at nababalutan ng kasamaan dahil sa mga sikretong inilathala nila.

Pangalawa ay bubugbugin sa harap ng mga kasama at ibubuko ang mga panglalait na ginawa niya.

Pero laging naayon ang pagkakataon sa pinsan, kung kailan nakaplano ang lahat ay hindi naman ito mahanap. Kahit na ang ibang napagtanungan ay hindi rin alam kung saan pumunta si Nalu, mismong kasama sa kwarto ay wala ring alam kung saan nagsuot ito. Malamang ay nagnanakaw na naman kung kanino.

"B-Bu--" nag-alangan pang tawagin ni Lirie si Bullet nang matanaw sa di kalayuan, naalala niya ang sinulat na sikreto nang gabing nagdaan.

Napailing nalang siya at pilit inalis sa isipan ang kabaliwan.

"Bullet," sa wakas ay natawag niya ang binata.

"Oh, Lirie. Hi, good morning," kahit kailan ay hindi pumalya sa pagiging sweet si Bullet, ang naisip ni Lirie.

"Ah, Hi. Nakita mo ba si Nalu?" sa ilang beses ay nagtatanong parin siya kung nasaan ang pinsan.

Kunot ang noong napa-iling ang katapat. "Hindi eh, but I think I've seen him somewhere, kani-kanina lang, sa white dorm, sa kwarto nila Skye to be exact," tama nga ang hinala niya.

Malamang ay nagnanakaw na naman ang pinsan kay Cham. Paboritong nakawan kahit na alam niyang mabubugbog siya, hindi lang isa ang bubugbog sa kanya kundi dalawa, kasama na roon si Skye pero wala parin siyang tigil.

Sa naisip na magugulpi nga ito ay parang nakaganti narin si Lirie. Binalewala na niya ang naisip na plano, dahil ang katotohanan ay alam niyang matatakasan rin siya nito.

"May kailangan ka ba kay Nalu?"

"Uhm, wala naman may gagawin lang ako sa mokong na yun."

Napatawa si Bullet. "Bakit? Ano na namang ginawa niya?"

"Ah, never mind, by the way makikita mo naman siguro si Keira 'di ba? Sabay kayo ni Aidan mag-aalmusal ngayon at alam kong kasama niya si Keira."

"Oo naman, bakit? May kailangan ka kay Keira?"

Tumango si Lirie. "Uhm, paki-bigay nalang 'to sa kanya, pakisabi naiwan niya yan sa cafeteria kahapon ng umaga."

Walang nagawa si Lirie kundi sundin ang pangalawang opsyon kung hindi man makita si Nalu. Isauli ang diary kay Keira kahit na alam niyang si Gun ang nagmamay-ari nito, baka may dahilan kung bakit na kay Keira ito.

Naniguro narin siyang hindi mabubuksan iyon, nilagyan niya ng kandado ang bakanteng susian nito sa pabalat kaya naman sigurado siyang wala ng makakabasa pa noon kahit kanino niya iyon ipabigay.

"Ah sure, ibibigay ko ito kay Keira," ngiti ni Bullet.

Kung bakit ba hindi katulad ng iba si Bullet. Maalalahanin, sweet at madaling lapitan, edi sana ay masaya ang mundo.

Kung ano anong naiisip ni Lirie at nagawa pang maikumpara si Bullet sa iba. Kahit na nawala na kaunti ang paghanga niya rito ay nananatili paring kakaiba ang tingin niya kay Bullet kumpara sa iba.

"Thank you Bullet."

"Nag-almusal ka na ba? Sumabay ka na kaya sa amin, papunta palang din ako ng cafeteria, hinihintay ko lang lumabas si Yandel."

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon