YANDEL DEVIN : PSYCHOPATHIC BARBIE DOLL

576 23 13
                                    

Dedicated to : aguywhoreads

Matapos magsulat ni Nalu ng isang mahabang panglalait at kalokohan niya. Inilapag niya ang diary, saglit na iwinagayway ang kanang kamay dahil sa pagod sa pagsusulat ngunit wala pang ilang segundo ay nakarinig siya ng isang nag-aambang panganib.

"NALU ELIE!" boses palang ay alam niyang si Cham na ito. "IBALIK MO YUNG GAMIT KO!" hindi alintana ang mga estudyanteng dumaraan, tinakbo ni Cham ang field para sugurin si Nalu.

Ngunit mas mabilis at alerto ang nauna, nakatayo agad ito ay nagtatakbo palayo, naiwan ang mahiwagang diary ni Gun sa bench.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay natutulog sa ilalim ng bench na iyon si Yandel ngunit dahil sa ingay ay nagising ito. Pakamot kamot pa ng ulo at nakasimangot na umupo sa kaninang inupuan ni Nalu. Napansin agad nito ang diary na naiwan ni Nalu.

Walang pag-aalinlangan na binuksan, nabasa ang mga ilang sikreto na nakatalata sa loob. Nag-ngitngit sa inis dahil sa natanggap na panglalait mula kay Nalu. Nais niyang punitin at sunugin ang diary pero mas may malala pang dumating.

"MY YANDS! MY LOVE! MY HERO!" nanlaki ang singkit na mata ni Yandel nang makita si Micah na papalapit sa kanya.

Mabilis na nakatakbo pabalik ng dorm dala dala ang diary na hawak niya.

Hingal na hingal siyang pumasok sa loob ng dating kwarto, kwarto nila ng kapatid na si Aidan. Umupo siya sa kama at binasa muli ang nakakagalit na pahayag mula sa sulat ni Nalu.

"Bwisit na Nalu na 'to! Ugh, akala mo naman napaka-gwapo talaga? Makapang-lait parang ang ganda ng sulat, eh daig niya pa nga ang kinder na nag-aaral palang magsulat," nag-ngingitngit sa inis si Yandel, kung pwede lang pasukin ang diary ay ginawa na niya.

Si Yandel naman ay hanggang ngayon ay nagpapa-bebe parin kay Michelle, choosy pa akala mo ang tangkad.

Muli rumehistro sa mata ni Yandel ang talata na iyon at lalong nainis sa ginawang kalokohan ng kasama.

"TANG-INA!" sigaw niya at naibato sa pader ang hawak na diary.

Nag-aapoy sa galit si Yandel, naka-isip ng paraan, walang alinlangan na kumuha ng lighter at binalikan ang libro, binalak niyang sunugin ang bagay pero didikit palang ang dila ng apoy sa diary ay naalala niya na naman ang mukha ng magandang si Micah. Nagtataka sa sarili kung bakit nitong mga nakaraang araw ay parang kakaiba na ang nararamdaman niya.

Sa inis ay binuksan niya muli ang diary, parang nagkusa ang kamay niya at kumuha ng ballpen mula sa ibabaw ng lamesa. Nahanap niya nalang ang sariling nagsusulat narin sa itim na kwaderno na iyon.

LILI ELIE FRAZER

"Hoy Lili, bilisan mo na nga diyan, ikaw nalang hinihintay, baka maunahan pa tayo nila Daddy sa airport, imbes na tayo ang sumundo ay tayo pa ang sunduin," napaka-mareklamo talaga ni Kuya Chance, madalas ay nakakainis siya.

"Oo ito na nga eh," kinuha ko na ang bag ko, ipana-ilalim muli ang diary ngunit nagulat nalang ako nang pagharap ko sa pinto ay nakatingin roon si Kuya Chance.

"Kaninong istorya ka na?" nanlaki nalang ang mata ko sa tanong niya.

"A-Anong kaninong istorya?"

Ngumisi siya ng bahagya. "Huwag ka na ngang magkunwari diyan, alam ko ang laman ng diary na yan kaso hanggang kay Mommy lang ang nabasa ko dahil nahuli ako ni Kuya, paano mo nakuha yan?"

Napalunok ako sa pagkompronta niya. "Dahil sayo," maiksi ko nalang na sagot. Kung ganun ay alam rin talaga nilang dalawa ang tungkol dito.

"Great, may natutunan ka rin pala sa akin, bilisan mo nalang, at pagkatapos mo basahin yan ibalik mo yan dahil lagot ka kapag nahuli ka ni Kuya."

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now