KEIRA MASON : MY FOREVER UNKNOWN FIRST LOVE

402 17 1
                                    

                Morthon University

"Good morning to the most beautiful girl in the world," masiglang pagbati ni Aidan sa girlfriend na si Keira nang sunduin siya nito nang umaga sa white dorm.

"Ang sigla mo ah, may nagawa ka na naman bang kasalanan?"

"Eto naman, bawal na bang maging masigla ngayon? Masaya lang ako kase maaga ako nagising at nagawa kong sunduin ka."

"Sus, nangbola ka pa."

"Kamusta ba ang tulog mo? Napanaginipan mo ba ako?" todo ngiting tanong ni Aidan at ipinagbitbit ng bag si Keira.

"Oo," walang reaksyong sagot ng dalaga.

"Talaga? Siguradong kahit sa panaginip ang gwapo ko."

"Oo nga eh, sobrang gwapo mo, at hanggang sa panaginip ko ay nang-bababae ka parin," irap ang binigay ni Keira kay Aidan.

Napatawa naman si Aidan, umagang umaga ay inaaaway na naman siya ng katipan.

"Nagagalit ka na naman diyan, kasalan ko ba kung naging pogi ako? Tara na nga, kumain muna tayo bago kita ihatid sa room niyo," magka hawak kamay na lumakad ang dalawa papuntang cafeteria.

Sa labas man ay nakasimangot si Keira, sa loob naman niya ay natutuwa siya dahil sa ginagawa ng boyfriend niya. Walang araw na hindi siya nito nahahatid sundo kahit sa dorm lang sila nakatira. Walang mintis ang araw araw na panliligaw nito kahit na sila na.

--

Ilang minuto ang lumipas, natapos silang kumain, mas maaga ang klase ni Aidan kaya naman nagmamadali itong tumayo.

"Tara na, ihahatid na kita sa room niyo."

"Eh, mamaya pa ang klase ko."

"Doon ka na muna, hintayin mo nalang dumating ang prof niyo."

"Ayoko, boring doon, dito nalang muna ako hihintayin ko si Lirie, nagtext kase siya na mag-aalmusal palang siya."

"Sigurado ka?"

Tumango si Keira. "Uhm, mauna ka na baka mahuli ka sa klase mo."

"Alright, I'll go head. Oh, by the way, pakibalik nga pala nito kay Gun kapag nakita mo siya. I'm sure kakain palang din sila ng almusal ngayon," inabot ni Aidan ang diary kay Keira.

"Basta ibigay mo nalang, wag mo babasahin ang laman niyan hah, sige mauna na ako."

Tuluyan nagpaalam si Aidan, pinagmasdan ni Keira ang diary. Kung hindi sinabi ni Aidan na 'wag niyang titignan ang loob ay hindi naman siya magkakaroon ng kuryusidad. Lalo siyang nagtaka ng makita ang naka imprinta sa ibabaw ng kwaderno.

Owner : Gun Keast, 199*

Sa isip, tutal ay wala naman siyang ginagawa ay naisipan niyang buksan ang kwaderno. Iilang pangungusap ang nabasa niya sa bawat isa, hindi na rin nagawang mabasa ang pang-lalait ni Nalu sa lahat. Nabasa niya rin ang sulat ni Yandel pati ni Aidan.

Pasimpleng nangiti nang mabasa niya ang ilang salita ni Aidan sa loob, kung gaano siya nito kamahal.

Muli niyang ibinalik ang bawat pahina ng mga nadaanan, sa dulong bahagi nakita at nabasa niya ang mga sikreto ng iilan.

"Crush ni Yandel si Lirie?" nanlalaki niyang matang pagtataka.

Wala sa mukha ni Yandel ang magka-crush sa babae, sa isip isip ni Keira. Kung tutuusin ay may itinatago rin siyang sikreto, bakit hindi niya isulat kung ang iba naman ay nagawa iyon?

Wala naman siyang dapat itago dahil alam naman ni Aidan ang tungkol dito. Kaya't hindi na siya nag-atubili pa, habang hindi pa nadating ang iba, kumuha na siya ng panulat at sinimulan ang sikretong itinatago ng matagal.

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now