DARCE AINLEY: I HATE FIREWORKS

338 13 3
                                    

                  Morthon University

"Pagod na pagod ako, t*ngina," pasalampak na humiga si Bullet sa higaan nang makapasok sa dorm.

Mabilis na napabalikwas si Shadow mula sa pagkakadapa, mabuti nalang at natapos na ang pagsusulat niya sa mahigawang kwaderno ni Gun at sa sobrang taranta ay kung saan niya ito naihagis dahilan kung bakit napasuot sa loob ng bag ni Darce.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Shadow sa mga kasama.

"Kayong dalawa lang dito?" imbes na sagutin ang tanong ni Shadow ay pinameywangan siya ni Viahm na may kasamang masamang tingin, pinaglipat ang mata mula sa natutulog na si Cham papunta kay Shadow.

"Oo, nakita mo naman 'di ba?" ngisi ng isa.

"Ilang oras kayong magkasama na kayong dalawa lang?" paniniguro ni Viahm.

"Mga tatlong oras," mapang-asar na sagot ni Shadow.

"Huh? Tatlong oras? Parang sa mga motel lang ah," nakapag-isip agad ng ideya si Kite.

Pagod, gutom at puyat si Viahm dahilan kung bakit naaburido agad kay Shadow at sa kakaibang imahinasyon ni Kite.

"Yung totoo?" lumapit si Viahm kay Shadow dala ang mapanganib na tono.

Napalunok ang nauna. "Mga 20 minutes lang," sa loob ay kinabahan din si Shadow, dahil kung ipagpatuloy pa ang pagbibiro malamang ay hindi siya sasantuhin ng kasama at baka masaksak na siya nito.

Huminga ng malalim ang kausap bago siya talikuran at nakahinga rin ng maluwag si Shadow.

"Nakita niyo ba si Nalu?" tanong muli ni Shadow, at lahat ay napa-iling lang.

Hanggang sa makatulog sila ay hindi na nagpakita si Nalu, hindi rin nila alam kung umuwi ito dahil kinabukasan wala parin sa higaan. Hindi mapagtanto ni Shadow kung may sariling detector sa katawan si Nalu, kapag oras na may mabunyag na ginawa niyang katarantaduhan ay nawawala siya ng kusa na para bang alam niya ang gagawin sa kanya ng mga kasama.

One day later..

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Viahm nang makita si Darce na nakaupo sa pwesto niya, sa rooftop kung saan kita ang buong kalawakan ng Morthon.

"Wala, masama ba pumunta dito?" sagot naman ni Darce.

"It's just unusual to see you here," pumamulsa si Viahm at tumayo sa tabi ni Darce.

Hindi sumagot ang isa nakatuon lang sa isang direksyon kung saan diretso sa parking ng Morthon University, at dahil sadyang mapagmatyag si Viahm sinundan niya ng tingin ang tinitignan ng kasama at doon nakita na si Rage iyon, kasama ang nurse na lagi nilang nakikita sa ospital nila Darce, si Audrey.

Muling binalik ni Viahm ang tingin sa kasama, napagtanto na nakasukbit pa ang bag nito at pawisan pa, mukhang hinabol niya talaga ang pag-akyat sa rooftop para lang makita ang dalawa. Alas otso na ng gabi pero naka uniporme parin ito, binantayan maigi ang dalawa at hindi na nagawang magbihis hangga't hindi nakaka-alis ang mga ito.

"Where are they going?" tanong ni Viahm, walang paki-alam kung masaktan ang kasama.

"To the park, watching fireworks," salita ni Darce habang nakatingin parin sa papalabas na sasakyan ni Rage.

"Darce, what do you think your doing?" tanong nakapagpatigil kay Darce at napatingin kay Viahm.

Nagsindi ng sigarilyo si Viahm at sumandal sa pader.

"I don't know," iling nito.

"Do you still love her?" nagtagis ang bagang ni Darce, hindi alam kung sasagutin pa niya ito, halata naman ang sagot.

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Where stories live. Discover now