AIDAN DEVIN : MY BROTHER YANDEL DEVIN

443 20 8
                                    

                Morthon University

"Ano ka ba Gun? Kanina ka pa paikot-ikot diyan, ano bang hinahanap mo?" inis na napasigaw si Rage kay Gun dahil sa walang tigil na pag-ikot at pabalik balik nito sa mga gamit na kanina ay natignan na ngunit hinahalungkat niya parin.

"May nawawala sa akin eh," sagot nito at tinuloy ang paghahanap.

"Ano namang nawawala sayo?" tanong ni Dagger.

"Y-yung diary, yung diary ko nawawala," mahina niyang tugon.

"Dia- Dia what?" kunot noong tanong ni Viahm.

"D-Diary," sagot muli ni Gun ngunit hindi nakatingin sa nauna.

Napatawa ng mahina si Viahm. "Diary fvck, uso pa pala yun?"

"Ang baduy mo, nag-da-diary ka? Bakla ka?" pang-aasar ni Nalu.

"Hindi lang basta diary yun 'no."

"Eh ano? May pera bang naka-ipit dun?" nagningning ang mata ni Nalu at naghintay sa sagot ni Gun.

"Tss, wala."

"Wala naman pala eh, bakit hinahanap mo pa?"

"Basta, 'wag ka na ngang maingay diyan. Baka naman kase kinuha mo Nalu?" napatigil si Gun at tinignan ng masama si Nalu.

Nagbago ang itsura ni Nalu, pilit ginalingan ang pagkukunwaring ekspresyon sa mukha upang hindi mahuli ng nagtatanong.

"Ano namang gagawin ko sa diary mo? 'Wag ka ngang mang-bintang diyan. Ako lang ba magnanakaw-- este, nanghihiram lang pala ako. Hindi ako magnanakaw, kaya hindi ako ang kumuha nun."

"Ang dami mong sinabi diyan isa lang naman ang tanong ni Gun," sabad naman ni Darce na noo'y nasa sala nila at kaharap ang laptop.

"Wag ka ngang epal boy lollipop, hindi ka kinakausap."

"Fvck you."

Nawala ang tuon ni Gun sa pagtatanong kay Nalu at muling ibinalik ang atensyon sa paghahanap nito.

Nasaan na nga ba ang diary ni Gun?

--

Ilang buwan narin ang nakalipas, walang kasama si Aidan sa kwarto nila dahil nasa campsite ang lahat dahil sa nagawa ng mga itong gulo. Malungkot ang bawat gabi at umaga niya lalo't hindi nakakasama ang kapatid na si Yandel.

Humiga siya sa kama ni Yandel ngunit paghiga niya ay may nadaganan siyang kung ano kaya naman bumalikwas siya ng bangon.
Inalis niya ang kumot na nahigaan at
at doon tumambad ang isang kulay itim na diary.

Walang pag-aatubiling binuksan iyon. Nabasa ang mga nakasulat, hindi nainis sa pang-lalait ni Nalu bagkus ay natawa at humanga kung paano ito nakakabuo ng mapanakit na salita sa nakakatawang paraan. Hanggang sa nabasa niya ang sulat ni Yandel, hindi makapaniwala na ang isang masungit at mailap na kapatid ay nagsulat sa isang baduy na diary.

Nang mabasa ang sulat ay gusto niya itong tawagan, ngunit mas naka-isip ng magandang paraan. Sasagutin niya ito sa pamamagitan ng pag-sulat.

             LILI ELIE FRAZER

"Lili?" agad kong naisara ang diary na noo'y bubuksan ko pa lamang nang pumasok si Mommy sa loob ng kwarto.

Kakarating lang namin mula sa mahabang byahe, halata ang pagkapagod ni Mommy but she always slays it, she still manage how to look beautiful in front of me.

"Yes Mommy?"

Umupo siya sa tabi ko at bahagyang hinalikan ang noo ko. Napatingala ako at napatingin sa kanya.

Morthon University : Secret Diary (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon