V

2.1K 51 2
                                    

No One

When she opened her eyes, she blinked rapidly to adjust to her surrounding. Later on she found out na nasa kwarto niya na pala siya. Napakunot siya ng noo, because as far as she remembered nasa gubat siya kasama isang malaking lobo at isang patay-- napabangon siya ng wala sa oras.

"Ugh! Ang sakit." Napahawak sa ulo si Luna. Hindi niya alam kung bakit iyon kumikirot, wala naman siyang maalala na nauntog siya.

She looked around and saw her things na maayos na nakalagay sa gilid ng study table niya. Then she realize na nakapang-bahay na siya. She was confused, really confused. Paano siya nakarating sa bahay? Sinong naghatid sa kanya? Kasama niya bang umuwi ang tita niya? At lalong-lalo na, sino ang nagpalit ng damit niya?

Tumingin siya sa wristwatch niya at nakitang 8:30 na ng gabi. And on a cue tumunog yung sikmura niya. Pagbaba niya nakita niya ang tiyahin na nanonood ng T.V. She looked at her, as if sensing her presence.

"O, Luna, gising ka na pala. Di na kita ginising kanina dahil ang himbing ng tulog mo. Sige na at kumain ka na, may iniwan akong ulam sa kaldero. " Tumango si Luna at nagpatuloy ng maglakad papunta sa kusina, pero tumigil sa paghakbang at humarap sa tiyahin.

"Tita?"

"Hm?" Cecilia respond, pero nakatingin parin sa T.V.

"Sabay po ba tayong umuwi? Atsaka po, ako po ba ang nag-bihis sa sarili ko?" Nag-aalangan na tanong ni Luna.

There was a pause. Cecilia looked at her like her question was ridiculous. "Oo naman, hija. Actually, tinawagan ako nung librarian, alam niya kasing pamangkin kita, nakatulog ka raw sa lamesa kaya naman sinundo kita doon. Pagdating dito sa bahay ay dumiretso ka sa kwarto mo, pagsilip ko ay nakapa-bihis ka na ng pambahay. Bakit may problema ba?”

"Ah. Wala lang po." Umiling at ngumiti nalang siya sa tiyahin at dumiretso na sa kusina.

Naka-tulog sa library? Paano iyong nakita ko? Impossible! This is getting weirder and weirder. It almost looks like everything was just a dream. But it felt so real! Napa-hawak sa counter top si Luna. No, this has to stop. Kailangan niyang bumalik doon para malaman kung totoo o panaginip lang ang lahat na nagyari sa kanya.

Habang kumakain ay nag-plano na siya sa kung anong gagawin niya bukas pagkatapos ng klase. Maybe she'll find something that could tell her that all she witnessed was real and not just a figment of imagination.

Pag-balik ng kwarto ay agad na tiningnan niya ang labahan sa basket pero wala itong laman, titingnan niya sana kung may dumi ba ng lupa yung pantalon niya. She wants to find an evidence that what happened to her wasn’t just a dream. Ng gabing iyon ay di siya maka-tulog ng maayos kaya naman mag-damag na lang siyang nag-sketch. The image she wants to draw was the wolf who rescued her.

She stared at it for a long time. Then there it is again, yung feeling na nakita niya na ito dati. That what happened to her awhile ago was not their first encounter.

The morning came and she was feeling groggy from the lack of sleep, mag-mamadaling araw na kasi siya nakatulog. She didn't even notice na may nabangga na pala siya habang naglalakad sa hallway. It made her lose her balance, akala niya ay matutumba siya instead she felt someone grab her wrist and waist.

Nanlaki ang mata niya at napatingin siya sa sumalo sa kanya. She gasp because of their closeness, the person who caught her was none other than Ezekiel.

"Nako, sorry!" Bumitiw siya sa lalaki at yumuko.

“Next time, ‘wag kang maglakad ng naka-tulala.” Iritadong saad nito.

Kinagat na lang ni Luna ang dila niya, baka may masabi pa siyang di maganda, at tumango na lang. Ezekiel walked pass her at dumiretso sa mga kaibigang naghihintay dito.

Ba’t ganoon ugali nun? Mabait naman si Yumiko tapos mukhang mabait din yung mama nila. Hindi mapigilang isipin ni Luna na baka ampon iyong si Ezekiel. Napa-irap na lang siya.

Nakita niya si Umi sa locker area, nakita niyang nakatitig ito kay sir Allen na may kausap na babaeng teacher. "Ehem! Baka matunaw." Napa-iktad naman si Umi nang biglang sumulpot si Luna sa gilid  iya, natawa naman ang huli.

"Jusko naman, Luna! Gusto mo bang atakihin ako sa puso?" Napahawak si Umi sa dibdib habang nanlaki rin ang mga mata. Dahilan para mas tumawa si Luna, tumigil lang siyang nang marealize niyang may mga naka-tingin na sa kanya ngayon.

Napatikhim siya at awkward na tumatawa habang kunwari ay may tinitingnan sa librong dala niya. Napailing na lang si Umi sa ginawa ni Luna, at napakamot na lang ang huli sa batok. Habang hinihiling na sana maging invisible na lang sa sobrang kahihiyan.

"Yan kasi, kung makatawa wagas." Mahinang tumawa si Umi sa kaibigan. Namumula naman sa hiya si Luna.

"How was your meeting with her?" The lady asked.

"She’s still as beautiful as I remember her." Aniya habang nakatingin sa ibaba ng terrace, kita doon ang hardin na puno ng mga bulaklak, beyond it is a forest. He remembered her playing at the garden with the butterflies fluttering around her.

“I heard she was attacked, how is she?” Nag-aalalang tanong ng babae.

“I killed the bastard. That fool tried to harm what’s mine because he caught her scent.” He clenched his fist trying to control his anger.

The lady sighed and sat on the chair just beside the man. "Kung ganoon ano na ang plano mo?"

"Wala muna sa ngayon. Just keep Ezekiel on watching her." Mahina niyang sagot. Inangat niya ang isang litratong matagal nang nasa kanya. In that picture was a girl sitting on his lap when he was just a teenager. They look happy, na parang walang problemang inaalala.

"What if it’s not just a hungry creature who’ll try to attack her? What if it’s them." May bahid ng takot ang maririnig sa boses ng babae.

"That won't ever happen again, I’ll make sure of it. No one will ever hurt her. No one." Matigas nitong sabi.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon