III

2.1K 52 3
                                    

Titig

“Oo, bakit?” Nag-taka naman si Umi sa reaksyon ni Luna.

Sumulyap si Luna sa pwesto nila pero napabaling agad siya sa harap ng makita niyang nakatingin ito sa kanya.

Shocks, Luna! Ba't ka umiwas? Ano na lang iisipin niya? Pero ang pangit naman kung titigan ko siya pabalik diba? Napa-buntong hininga na lang siya.

"Luna. Okay ka lang? Kanina ka pa naka-tulala ah?" Nag-aalalang tanong ni Umi sa dalaga.

"Huh? Uh... wala." Nag-aalangan niya sagot.

"Are you sure? Anyways ba’t ganun na lang yung reaction mo nung sinabi kong magkapatid kami? Hindi ba halata, pangit kasi niya no?" Natatawa niyang sabi kay Luna, napa-iling na lang ang dalaga.

Unti-unting napupuno ng estudyante ang classroom dahil nag-bell na. Panay naman ang tingin ng mga estudyante sa likod at nagbubulungan. Yung iba, lalo na ang mga babae, parang kinikilig habang nakatingin sa likod.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang teacher nila. "Okay class, kindly settIe down now. So I will be your literature teacher and adviser, my name is Allen Cruz. Sana naman walang matutulog sa klase ko." Some of the students laughed yung iba no reaction lang. Meron ding kinikilig, hearthrob ata 'tong teacher na 'to, isip ni Luna. Hindi niya naman maikakaila na gwapo nga ang guro.

"Ang gwapo ni sir, no?" Bulong ni Umi while wiggling her eyebrows and smirking, Luna chuckled a little.

"So, I heard we have a new student here. Can you introduce yourself.. miss?" Ani ng guro matapos tingnan ang class record, inilibot nito ang kanyang mga mata para tingnan kung sino ang tatayo. Luna breathed in to take some courage. Dahan-dahan siyang tumayo, at mas lalo siyang nahiya nang mapansin na nasa kanya nakatingin ang lahat.

"Hi! Uh, my name is Luna Alexie Prado. Galing akong Caident city at kalilipat ko lang noong isang araw. Sana magka-sundo tayong lahat." Sabi niya sabay bow at naupo agad, may ilang pumalakpak sa kanya, lalo na si Umi.

"Well then, welcome to Tophill high. And enjoy your stay." He gave her a smile.

“Alexei?” May gulat sa mukha ni Umi habang naka-tingin sa dalaga.

“Hm, bakit?” Tanong ni Luna.

Napakurap si Umi. “Huh? Ah wala, wala.” Umi gave an uneasy laugh.

Hindi na pinansin ni Luna ang kaibigan at nakinig na lang sa guro. Without Luna noticing, Umi leaned backwards then tried to gain her brother’s attention, when she did, she pointed at Luna while mouthing ‘Alexie’. Her brother rolled his eyes then nodded in response. Kaya pala ang bango ng amoy ni Luna pwera sa ibang mga studyante, ang akala niya ay baka naninibago lang siya dahil transferee ang bagong kaibigan, iyon pala…

Tanging ang boses lang ng guro ang maririnig, nagsimula na kasing mag-discuss si sir Allen tungkol sa school rules and regulations. Well, maliban sa mangilan-ngilang nagchichismis. Pero hindi mapakali si Luna sa upuan niya at halos di na siya maka-galaw ng maayos dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Her nape was becoming itchy as time passes by.

Someone is staring at her with intensity, she was sure of it. Gusto mang tumingin ni Luna sa mga tao sa loob ng kwarto para hanapin yung taong nakatitig sa kanya ay hindi niya magawa.

Bakit? Kasi hindi naman siya sanay na tumitig pabalik sa mga taong tumitingin sa kanya. It was rude to stare but she doesn’t have the courage to stare back.

Gusto niyang baliwalain yung nararamdaman niya, kaya tinuon niya na lang ang sarili sa pakikinig sa teacher sa harap. Pero parang ang ang tagal naman atang tumitig nitong taong ito at hanggang ngayon ay nandoon pa rin yung feeling na may nakatitig sa kanya. Gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa o di kaya mag-bell na sana para maka-labas na siya ng room.

She sighed. Nagsimula na siyang mainis. Kaya para matapos na 'tong nararamdaman niya, nagsimula na siyang tignan lahat ng tao sa loob ng classroom. Hanggang napatingin siya sa likod, nagulat siya ng makita yung lalaking si 'L o Ezekiel' ang nakatingin sa kanya.

Di katulad kanina, tiningnan niya din ito ng naka-kunot ang noo. May problema ba ‘to sa akin? Noong isang araw pa ‘to ah. Para silang baliw na nagtitigan, walang nagpapa-awat. Akala mo ha! Hindi rin umiiwas si Luna na naka-titig din sa mga mata ng binata. Ang mga itim nitong mga mata na parang hanggang kaluluwa niya ay tinitingnan nito.

On the other hand as Ezekiel kept his eyes on hers he can’t help but be mesmerized by Luna's eyes, na parang nanghi-hypnotize ito at hinihila siya. Ilang sandali pa ay umiwas ng tingin ang binata sa dalaga.

Huh! Iiwas din pala. Luna wins! Napangisi siya sa naiisip niya.

Bumalik uli ng tingin si Luna sa harap, at mas naging komportable na siya. Habang nakangiting umiiling naman ang binata sa inasta ng dalaga.

"Hey, bro. What's with the smile?" Ezekiel immediately frowned dahil sa tanong ng kaibigan niya.

"Tsk."

Nagulat si Jad, na matalik na kaibigan ni Ezekiel, sa inasta ng binata. Once in a blue moon lang kasi ito kung ngumiti, dalawa lang ang facial expression nito, it's either no reaction or nakakunot lang ang noo.

Kaya di niya maiwasang mag-taka kung ano ang dahilan ng madalas na pagngiti nito ng mag-isa. Minsan na nga niya itong tinanong, pero isang malupit na panlilisik ng mga mata lang ang natanggap niya. Napa-iling na lang siya. But this time he can’t help but take a peek at the girl they were given mission to guard.

Even him, who do not crave blood, was also captivated at the scent that is lingering in the air. They know everyone that’s not human in this town can smell what he's smelling right now. Kaya naman ay nagpaka-wala na sila ng balita tungkol sa dalaga, it was an order to stay away for the girl’s protection and theirs, if they want their heads to still be intact with their body.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon